Inanunsiyo ngayong Linggo, Disyembre 28, 2025, ng The Brigitte Bardot Foundation ang pagpanaw ng French actress, singer, at international sex symbol na si Brigitte Bardot.
Siya ay 91 years old.
Saad sa anunsiyo: "The Brigitte Bardot Foundation announces with immense sadness the death of its founder and president, Madame Brigitte Bardot, a world-renowned actress and singer, who chose to abandon her prestigious career to dedicate her life and energy to animal welfare and her foundation."
Hindi na inilahad ang sanhi ng kamatayan ng French screen legend pero matagal daw itong naratay sa ospital bago binawian ng buhay.
BRIGITTE BARDOT'S CAREER IN A GIST
Nag-umpisa ang acting career ni Bardot sa edad na 17 nang magbida siya sa 1952 movie na Manina, the Girl in the Bikini, na malaking isyu noon dahil menor de edad siya nang gawin niya ito.
Siya rin ang nagpasikat sa France ng paggamit ng bikini sa kanyang mga pictorial at pelikula.
Nakilala si Bardot sa buong mundo at binansagang "sex kitten” nang pagbidahan niya noong 1956 ang And God Created Woman.
Apatnapu’t-pito ang bilang ng mga pelikulang ginawa niya at animnapu ang mga kantang ni-record ni Bardot noong namamayagpag pa ang kanyang showbiz career.

BRIGITTE BARDOT's PASSION
Nag-retiro si Bardot sa pag-arte noong 1973, pero hindi siya nawala sa sirkulasyon dahil naging aktibo siya bilang tagapangalaga at tagapagtanggol ng animal welfare.
Itinatag ni Bardot ang Brigitte Bardot Foundation for the Welfare and Protection of Animals at kinilala siya bilang isang pop cultural icon.
Apat na beses na nagpakasal si Bardot, at aminado siyang hindi nagtatagal ang kanyang mga relasyon.
Sa isang panayam, aniya: "I have always looked for passion. That's why I was often unfaithful. And when the passion was coming to an end, I was packing my suitcase.”
Naulila ni Bardot ang kanyang nag-iisang anak na si Nicolas-Jacques Charrier, pero hindi okay ang kanilang relasyon.
Read:
Rey PJ Abellana, hindi raw invited sa kasal ng anak na si Carla
Vice Ganda, Krystel Go, Manila's Finest, UnMarry big winners at MMFF 2025