PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rey PJ Abellana, hindi raw invited sa kasal ng anak na si Carla

“No invite po."
by PEP Troika
Published Dec 28, 2025
carla abellana and dr reginald santos with rey pj abellana as inset
Rey PJ Abellana says he was not invited to the wedding of his daughter Carla Abellana to Dr. Reginald Santos.
PHOTO/S: Aive Teo on Instagram (main); Snookiy Serna on YouTube (inset)

GORGY RULA

Matipid ang sagot sa akin ng ama ni Carla Abellana na si Rey “PJ” Abellana nang tinanong ko kung imbitado ba siya sa kasal ng kanyang anak.

Sagot ni PJ sa akin sa text, “No invite po. Good am.”

Pumayag naman siya nang magpaalam ako kung puwede kong isulat.

Sa text lamang sumasagot si PJ, kaya limitado ang sagot niya.

Nang hingan ko ng wish para kay Carla, heto ang text message ng veteran actor sa akin: “I feel worried for them & I wish they will acknowledge the righteous ways of God to make them realize what is right & wrong, for them. To avoid bad luck.”

Hindi na siya sumagot nung nag-reply ako sa text message niya sa akin.

Hindi ko na rin kinulit ang veteran actor at baka ayaw na lang niyang maging nega dahil alam niyang masaya ngayon ang kanyang anak.

Bukod kay Carla, may isa pang anak si Rey kay Rea Reyes, si Erica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Rea ay anak ng late actress na si Delia Razon.

CARLA ABELLANA'S EX

Ewan ko kung ano ba talaga ang kapalaran kina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Umpisa Disyembre 27, 2025, masayang-masaya si Carla sa kanyang bagong buhay bilang Mrs. Reginald Santos.

Noong Disyembre 27, 2025 din, sobrang saya rin ni Tom dahil nagwagi siya bilang Best Supporting Actor sa nakaraang Gabi ng Parangal ng 51st Metro Manila Film Festival, na ginanap sa Dusit Thani Hotel sa Makati City.

Read: Carla Abellana looks radiant as she weds high school sweetheart

JERRY OLEA

Hindi nakakagulat ang pagkapanalo ni Tom Rodriguez bilang Best Supporting Actor sa MMFF 2025 official entry na Unmarry.

Talaga namang pinuri siya sa magaling niyang performance bilang Stephen, ang controlling husband ni Celine, na ginampanan ni Angelica Panganiban.

Mukhang pinag-aralan talaga nang husto ni Tom ang karakter ni Stephen.

Matapos ang premiere night ng Unmarry noong Disyembre 20, Sabado, sa TriNoMa, Quezon City, ipinaliwanag ni Tom kung bakit ganun ang karakter niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Talagang kinaiiritahan siya sa pelikulang yun, at kahit daw siya ay nairita rin sa karakter niya.

Ani Tom: “I cannot agree sa actions ni Stephen, but I had to understand him. Why?

“And feeling ko sa kanya talaga, sa takot niya nanggagaling yung pagiging controlling niya, e. Yung takot niya na mawala yung pagiging provider, na binuo niya sa sarili niya, to the point na parang portfolio investment niya na lang yung asawa niya.

“Dun manggagaling yung parang humanity of someone that’s very hateable like Stephen.”

Proud siya sa pelikulang ito, at gusto raw niyang panoorin nila ito ng kanyang asawa.

“I definitely have to,” nakangiti niyang sagot.

Basta, pareho na silang masaya ngayon ni Carla Abellana.

Read: MMFF 2025 Gabi ng Parangal sidelights

NOEL FERRER

Kakaiba rin ang laro ng tadhana, ano?

Isang dating karelasyon na nagtatagumpay sa career, isa naman na ikinasal—sabay na araw.

We wish both Carla and Tom the best sa buhay nila individually with their respective partners.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At ang masaya, parehong kumikita ang mga pelikula nilang entries sa Metro Manila Film Festival.

Kasama si Carla sa unang episode ng horror trilogy na Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.

Happy New Year talaga sa kanila!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rey PJ Abellana says he was not invited to the wedding of his daughter Carla Abellana to Dr. Reginald Santos.
PHOTO/S: Aive Teo on Instagram (main); Snookiy Serna on YouTube (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results