Walang katotohanan ang balitang nagkakamabutihan sina Senator JV Ejercito at Bb. Pilipinas-Universe 2014 Mary Jean “ MJ” Lastimosa.
Nag-umpisa ang pilit na pag-uugnay sa politician at beauty queen dahil nagkatabi sila sa wedding reception nina Ilocos Norte Vice Governor Matthew Manotoc at Miss Earth 2014 Jamie Herrell noong Biyernes, Enero 16, 2026.
Ang ina ng groom na si Senator Imee Marcos ang nagpakilala sa mga bisita, at isa-isa niyang binanggit ang mga “classmate” sa senado.
“Ang unang dumating, si JV 'The Good One' Ejercito. Ako rin, 'The Good One,'" ang kanyang bungad saka nagbiro ng: "Pero kabsat, hindi ka pa rin nadadala. Always in trouble with beauty queens."
Nakunan ng video ng kapwa senador na si Robin Padilla ang sinabing ito ng Marcos, pati na rin ang reaksiyon nina JV at MJ.
Nakatawa ang senador, habang si MJ ay nakatingin muna sa cellphone bago inangat nang bahagya ang ulo para tumingin sa katabi.
Ang video na ito ang pinagmulan ng haka-hakang may namumuong relasyon sa pagitan ng dalawa.
Read: Robi Domingo speaks on reported tension with John Lloyd Cruz
JV EJERCITO REACTS
Ngayong Linggo ng hapon, Enero 18, 2026, nakipag-ugnayan kay JV ang Cabinet Files para sa kanyang panig at nagpaunlak siyang linawin ang isyu.
“Nagkita lang doon, parehong imbitado sa kasal. Kaibigan ko po si Vice Governor Matthew Manotoc, habang si MJ ay kaibigan ng bride na si Jamie,” ang paliwanag ni Ejercito.
Hindi raw inaasahang magiging isyu ang pagtatabi nila ni Lastimosa sa wedding reception ng second wedding nina Matthew at Jamie, na unang ikinasal noong Enero 9, sa Cebu Cathedral, Cebu City.
Nagtawanan naman ang mga bisita sa biro ni Senator Imee na "always in trouble with beauty queen.”
Mga beauty queens kasi ang mga ina ng mga anak ni JV.
Si 1991 Bb. Pilipinas-International titleholder na si Patty Betita ang ina ng panganay na anak ni JV.

Si 1988 Mutya ng Pilipinas-Asia Pacific ang babaeng pinakasalan niya, si Hyacinth "Cindy” Lotuaco.

Parehong mga lalake ang anak ni Ejercito kina Betita at Lotuaco.
Read: MVP, nagpatawag ng emergency meeting re: TV5 programming?