PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MVP, nagpatawag ng emergency meeting re: TV5 programming?

Plus, upcoming show line-up ng GMA-7...
by PEP Troika
Published Jan 17, 2026
TV5 shows this January 2026
TV5's primetime this January 2026 will be occupied by (clockwise) Una Sa Lahat, Frontline, Totoy Bato, Pira-pirasong Paraiso, and Nag-aapoy na Damdamin
PHOTO/S: TV5 on Facebook

JERRY OLEA

MGA PAGBABAGO SA TV PROGRAMMING

Nagtapos ang teledramang Cruz vs. Cruz nina Gladys Reyes, Vina Morales, at Neil Ryan Sese ngayong Enero 17, 2026, Sabado ng hapon, sa GMA-7.

Cruz vs Cruz series on GMA-7
Cruz vs Cruz series on GMA-7
Photo/s: GMA-7

Simula Enero 19, Lunes, ay matutunghayan na sa Kapuso Afternoon Prime ang House of Lies nina Beauty Gonzalez, Kris Bernal, Martin del Rosario, at Mike Tan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon ding Enero 17, Sabado, ay ibinalita ng TV5 sa Facebook na ire-replay nila simula Enero 19, Lunes ng gabi, ang teleseryeng Nag-aapoy na Damdamin at Pira-Pirasong Paraiso.

Ang Nag-aapoy na Damdamin ay pinagbidahan nina JC de Vera, Ria Atayde, Tony Labrusca, at Jane Oineza.

Ang Pira-Pirasong Paraiso ay pinagbidahan nina Loisa Andalio, Charlie Dizon, Alexa Ilacad, at Elisse Joson. Kagaya ng Nag-aapoy na Damdamin, joint venture ito ng ABS-CBN at TV5.

THREE MOVIES FROM TV5

Ang nasa 8:45 P.M. weekday slot ng TV5 before ay ang Cine Cinco Primetime na nag-umpisa noong Enero 2, 2026.

Mula Lunes hanggang Biyernes, 9:00 A.M., ang Cine Cinco sa Umaga, at 3:10 P.M. ang Cine Cinco sa Hapon.

Mula Enero 2 na nagkaroon ng Cine Cinco Primetime, bale tatlong pelikula ang handog ng Kapatid Network mula Lunes hanggang Biyernes.

Kung Sabado at Linggo, dalawang pelikula naman kada araw—isa sa umaga at isa sa hapon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ABS-CBN PRIMETIME SERIES ON TV5

Matatandaan na dati ay nasa 7:00 P.M. slot ng TV5 ang Totoy Bato, na sinusundan ng Batang Quiapo pagsapit ng 8:00 P.M., Roja sa 8:45 P.M., at What Lies Beneath sa 9:30 P.M.

Pero umpisa Enero 2, umalis ang mga Kapamilya primetime teleseryeng Batang Quiapo, Roja, at What Lies Beneath sa TV5, at lumipat sa AllTV.

Ang Totoy Bato ang isinalpak sa 8:00 P.M. slot, katapat ang Sang’gre ng GMA 7 at Batang Quiapo ng AllTV.

Sa 8:45-10:45 P.M. naglagay ng Cine Cinco Primetime.

Pero sa Enero 19, Lunes ng 8:45 P.M., ay ire-replay na ng TV5 ang Nag-aapoy na Damdamin at Pira-Pirasong Paraiso.

By the way, ngayon ding Enero 17, Sabado, first time na parehong naligwak sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines ang Roja at What Lies Beneath.

Read: Michael Pacquiao unveils new look in side-profile photo

NOEL FERRER

ABS-CBN SHOWS ON NETFLIX

Ang Roja (80 episodes) ay pinagbibidahan nina Donny Pangilinan, Kyle Echarri, at Maymay Entrata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Enero 17, Sabado ng gabi, ang Netflix streaming ng 42nd episode nito.

Five consecutive days itong nanguna sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines, mula Nobyembre 23, 2025, Linggo, hanggang Nobyembre 27, Lunes.

Hindi na ito nakabalik sa top spot, at nalaglag sa Top 10 noong Enero 9 at 10, 2026, Sabado at Linggo, at ngayong Enero 17.

Tampok naman sa What Lies Beneath (100 episodes) sina Janella Salvador, Sue Ramirez, Kaila Estrada, Charlie Dizon, JM de Guzman, Jake Cuenca, at Jameson Blake.

Ngayong Enero 17, Sabado ng gabi, ang Netflix streaming ng 67th episode ng What Lies Beneath.

Nine consecutive days itong nanguna sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines, mula Oktubre 19, 2025, Linggo, hanggang Oktubre 27, Lunes.

Hindi na ito nakabalik sa top spot, at nalaglag sa Top 10 noong Disyembre 21, 22, at 26 last year, at Enero 2, 3, at 17 this year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Top 10 TV Shows sa Netflix Philippines ngayong Enero 17, Sabado:

  1. Jujutsu Kaisen
  2. His & Hers
  3. Can This Love Be Translated
  4. The Walking Dead
  5. Sentenced To Be A Hero
  6. Cashero
  7. Agatha Christie’s Seven Dials
  8. Stranger Things
  9. Idol I
  10. The Good Doctor

GORGY RULA

GMA-7's UPCOMING SERIES

Namamalat na si Gladys Reyes nang nagpo-promote siya sa finale episode ng Cruz vs. Cruz.

Masyadong mabigat ang ending na talagang itinodo na raw nila, kaya nawalan ng boses ang Primera Kontrabida.

Ewan ko kung tamang timing ang pagpasok sa Lunes ng House of Lies, dahil mababa pa rin ngayon ang viewership ng mga programa sa telebisyon.

Tingnan natin ito sa susunod na linggo.

Sa aming pag-analisa, mukhang ang TV5 ang mas naapektuhan ng naumsiyaming partnership nito with ABS-CBN.

Parang umaalog-alog ang programming ng TV5 dahil sa pag-alis ng Batang Quiapo, Roja, at What Lies Beneath sa primetime.

Pina-plug pa lang nila ang mga bagong drama series na A Secret in Prague, The Good Doctor, at My Bestfriend Emman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ewan ko kung isasalang nila agad ang The Kingdom: Magkabilang Mundo.

TV5 2026 primetime offerings The Kingdom, My Bestfriend Emman, and A Secret in Prague
TV5 2026 primetime offerings The Kingdom, My Bestfriend Emman, and A Secret in Prague
Photo/s: TV5 on Facebook

Pero bandang mid of February o first week of March pa raw ito maeere sa Kapatid network.

Sa ngayon ay ang Totoy Bato na ang itinapat sa Sang’gre ng GMA-7 at ang Batang Quiapo sa Kapamilya Channel, A2Z, at AllTV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa timeslot na ito ay angat pa rin talaga ang Sang’gre na naka-9.4% noong Huwebes, January 15.

Ang Batang Quiapo ay 6% ang aggregated ratings, at naka-1.1% lang ang Totoy Bato.

Pero nakakabilib ang lakas ni Coco Martin dahil halos lahat na loyal viewers ng Batang Quiapo ay sumunod sa Kapamilya channel, A2Z, at AllTV.

Hindi pa nakita ang ambag ng AllTV sa ratings, pero napansin agad na tumaas sa Kapamilya channel.

Tila hindi napaghandaan ng Kapatid network ang pag-alis ng mga ABS-CBN shows.

MVP HANDS-ON WITH TV5 PROGRAMMING

Totoo kayang isa raw ito sa dahilan ng pag-alis ng TV5 executive na si Jane Basas?

Totoo bang ang buong akala ni Mr. Manny V. Pangilinan (MVP) ay collection notice lang ang pinirmahan niya sa ABS-CBN, yun pala ay termination na ng kontrata?

Ngayon daw ay hands-on na si Sir MVP sa pag-aayos ng mga programa sa TV5.

May narinig kaming nagpatawag daw ngayong araw, January 17, ng emergency meeting sa ProgCom o Program Committee na ngayon lang daw niya ito ginawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mismong si Sir MVP daw ang nag-ayos ng mga natuklasang problema na dati’y ipinagkatiwala niya sa mga executives ng TV5.

Inaabangan na ngayon kung sino na ang ipapalit sa nabakanteng posisyon ni Ms. Basas bilang Presidente at CEO ng MediaQuest. Tiyak na malaking hamon ito sa susunod na uupo sa posisyong yun.

Read: Rabiya Mateo diagnosed with depression and anxious distress

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV5's primetime this January 2026 will be occupied by (clockwise) Una Sa Lahat, Frontline, Totoy Bato, Pira-pirasong Paraiso, and Nag-aapoy na Damdamin
PHOTO/S: TV5 on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results