PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Elias J.TV, ano ang lamang kina Dingdong, Dennis, at Alden?

Elias J.TV tinanggihan ang special participation sa dalawang teleserye
by Jojo Gabinete
Published Jan 23, 2026
elias j,tv fast talk
Elias J.TV on his current popularity: "Paminsan-minsan lang ito, sagarin ko na. Ngayon pa lang, tanggap ko nang darating talaga ang oras na mawawala rin ito kasi hindi naman ito panghabambuhay na trabaho.”
PHOTO/S: GMA Network

Dalawang espesyal na partisipasyon sa mga teleserye—isang fantasy series at isang action-drama series—ang natanggap na alok ng content creator at popular reggae artist na si Elias J.TV.

Pero tumanggi ito.

Una, puno na ang schedule niya hanggang sa Marso 2026.

Pangalawa, hindi raw siya marunong umarte kaya wala sa kanyang isip maging aktor.

Read: Lea Salonga confirms separation from husband Robert Chien

Si Elias ang bisita sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, Enero 23, 2026.

Nang tanungin tungkol sa mga possible acting assignment, ito ang sagot niya: “Siguro kung may pagkakataon kaso hindi ako marunong umakting. Mahiyain ako sa ganyan-ganyan.”

Tinanong din ni Boy Abunda si Elias kung ano ang laban niya sa mga sikat na aktor na sina Alden Richards, Dennis Trillo, at Dingdong Dantes.

“Ang laban ko sa kanila, siguro talo ako sa kaguwapuhan. Pero sa pasarapan, yun lang talaga ang panlaban ko!" natatawang sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro talo ako sa height [ni Dingdong] kasi matangkad yun tapos maliit lang ako. Pero mataas naman ang dala ko na paningin sa buhay."

Read: Cha Eun Woo linked to 20B won tax evasion allegations involving his mother

ELIAS J.TV ON HIS POPULARITY

Hindi rin daw makapaniwala si Elias na sikat siya.

Saad niya: “Kapag ako lang mag-isa, tinatanong ko ang sarili ko. Sabi ko, ‘Elias, ano ka na ba ngayon? Sikat ka na ba?’

“Palagi ko tinatanong kasi hindi ko ramdam na sikat ako, e. Hindi ko ramdam talaga.

"Marami ang nagsasabi sa akin na sikat ako, pero yung puso at isip ko, parang nandito lang palagi. Walang pagbabago, ganoon pa rin.

“Siguro yung ibang tao makapagsabi na sikat ako, pero ako hindi.

“Proud ako sa sarili dahil hindi ko naman ito pinangarap, bigla lang dumating.”

Tanggap ng reggae singer na marami na ang nagbago sa kanyang buhay buhat nang makilala siya dahil nawala na ang privacy niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sa ngayon, maraming naiiba sa akin, kasi yung privacy ko ngayon, patago na.

"Kasi lahat ng galaw ko, naka-video ng mga tao, kaya meron din akong mga iniiwasan na salita. Iniiwasan na ginagawa.

"Kasi konting magkamali lang, biglang puputok agad sa social media.

Pagpapatuloy ni Elias: “Nag-e-enjoy naman ako, lalung-lalo na kapag nasa stage ako.

"Feel ko, ako lang yung tao na nandoon, e. Parang feel ko, yung mga kasamahan ko lang ang kasama ko. Parang nag-e-enjoy ako.

"Paminsan-minsan lang ito, sagarin ko na.

“Ngayon pa lang, tanggap ko nang darating talaga ang oras na mawawala rin ito kasi hindi naman ito panghabambuhay na trabaho.”

Gaano na siya kayaman?

Sagot ni Elias: “Siguro sa ngayon, hindi pa siguro mayaman. May pera lang pero hindi mayaman. May kaya na siguro.”

Read: Rhen Escaño speaks out over Kokoy de Santos’ life story on MPK

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elias J.TV on his current popularity: "Paminsan-minsan lang ito, sagarin ko na. Ngayon pa lang, tanggap ko nang darating talaga ang oras na mawawala rin ito kasi hindi naman ito panghabambuhay na trabaho.”
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results