Hanggang ngayong Linggo, Pebrero 1, 2026, ay trending topic pa rin sa iba’t ibang social media platforms ang mga larawan at video nina Kathryn Bernardo at Lucena City Mayor Mark Alcala.
Una itong lumabas noong Sabado, Enero 31.
Nakunan ng mga larawan at video ang dalawa na magkasama sa Power Plant Mall, Makati City.
Kahit may suot na facemask, nakilala pa rin si Kathryn ng mga nakakita sa kanila ni Mark.
@user1191657465699 Goodnight, guys! ???? #kathrynbernardo #fyp #kathryn #fyp? ? original sound - ????????official_jay???????? - ^Swag_jay^
Dati-rati, hindi basta nakikitang magkasama sa pampublikong lugar sina Kathryn at Mark.
Ang mall sighting ang pinaniniwalaang isa sa mga hakbang sa unti-unting pag-amin nila tungkol sa kanilang tunay na relasyon.
Hindi na kailangan nina Kathryn at Mark magsalita tungkol sa kanilang napapabalitang pagmamahalan dahil nauunawaan ng marami na pinangangalagaan nila ang mga pribadong buhay, kahit itinuturing silang mga public property.
Magkasing-tanda ang aktres at ang alkalde ng Lucena City.
Thirty years old na si Mark sa kaarawan nito sa Pebrero 23, samantalang sa Marso 26 ang ika-30 kaarawan ni Kathryn.
Read: Is Kathryn Bernardo moving to this luxe abode in Makati City?
THE PEP REPORT ABOUT KATHRYN AND MARK
Labing-siyam na buwan na ang nakararaan buhat nang iulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Hulyo 2024 ang panliligaw ni Mark kay Kathryn.
Marami ang hindi makapaniwala sa ulat noon ng PEP dahil ito ang kauna-unahang pagkakataonnag ugnay ang pangalan ni Mark kay Kathryn.
Wala rin balitang nagkaroon sila ng interaksiyon o nakitang magkasama.
Read: Lucena Mayor Mark Alcala, nanliligaw rin kay Kathryn Bernardo
Makalipas ang ilang linggo, nag-umpisa nang lumitaw ang mga impormasyon tungkol sa pagkakamabutihan nina Mark at Kathryn, pero tikom ang mga bibig nila.
Hanggang makunan sila ng larawan at mga video na magkasama sa Power Plant Mall, indikasyong lumalalim na ang kanilang pagkakaibigan.
Wala nang dapat ilihim o ipangamba sina Mark at Kathryn dahil base sa reaksiyon ng netizens tungkol sa kanilang pagpunta sa mall, marami ang pabor na makipagrelasyon na ang aktres.
Bukod nasa legal na edad na sila, karapatan nilang maging maligaya.
Read: Kathryn Bernardo, Mark Alcala spotted sa NAIA papuntang Australia