May sagot si Volunteers for Crime and Corruption (VACC) President Arsenio “Boy” Evangelista sa pagkuwestiyon ng ina ni Rhian Ramos na si Clara Ramos tungkol sa pagtulong ng kanilang organisasyon kay Bonifacio Baro alias Totoy.
Si Baro ang driver at personal assistant ni Rhian na inaakusahang nagnakaw mula sa kuwarto ni Michelle Dee na naglalaman umano ng maseselang larawan.
Sa kanyang social media post, sinabi ni Clara na hindi niya maunawaan ang pagsuporta ng VACC sa driver ng kanyang anak na tinawag niyang "lying thief."
Maging ang ina ni Michelle na si Melanie Marquez ay umalma at pinaratangan ng pamba-blackmail ang driver ni Rhian.
Read: Mga ina nina Rhian Ramos at Michelle Dee, umalma sa mga alegasyon
Read: Melanie Marquez: "Blackmail" ang motibo ng driver ni Rhian Ramos
Reaksiyon dito ni Evangelista: “Ang VACC po in reply sa narrative ni Melanie at ng nanay ni Rhian, naiintindihan ko po yon.
"I fully sympathize with the parents, I cry for them.
“We understand po, kasi ako, ang anak ko po, pinatay, sinunog.
"Biktima rin po ako, fifteen years ago.”
Eksklusibong nakapanayam ng Cabinet Files si Evangelista ngayong Lunes, Pebrero 2, 2026.
BOY EVANGELISTA'S SON WAS A VICTIM OF KIDNAPPING, CARNAPPING
Ang tinutukoy niyang "anak" ay si Venson Evangelista, isang car dealer na sinunog ng Dominguez Carjacking Gang noong Enero 13, 2011.
Twenty-nine lamang si Venson nang pinatay.
Si Venson ay biktima ng carnapping at kidnapping.
Natagpuan ang kanyang sunog na bangkay sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Hanggang ngayon, napakasakit na pangyayari at karanasan para kay Boy Evangelista, kahit nakamit ng pamilya niya ang hustisya noong Marso 16, 2023.

Saad pa niya: “Naiintindihan ko po sina Melanie. I cry for them. I cry with you. I am with you also bilang magulang.
"Yung sinapit po ng anak ko, wala sa kalingkingan na sina-suffer nila ngayon. Yung buhay ng anak ko, hindi na maibabalik.
"At sana po, maintindihan nila ang role ng VACC is assistance para marinig ang boses ng isang biktima na lumapit sa amin at humingi ng tulong.
"It is fully documented with videos nung ininterbyu namin siya. Ininterbyu ko siya personally, for almost two hours."
Read: Netizens compare Vhong Navarro case to Michelle, Rhian complaints
VACC ON HELPING VICTIMS OF INJUSTICE
Ipinaliwanag ni Evangelista ang ginagawang pagtulong ng VACC sa mga biktima ng karahasan at naghahanap ng hustisya.
“Ang VACC po, ang advocacy namin is to assist victims of injustice, lalo na kapag dehado at walang kakayahan na kumuha ng abogado.
“For the past 28 years, VACC is a non-government organization, non-profit, non-political organizatiom founded by the blood of our loved ones.
“The mission of VACC is a country free from crime and corruption and assisting victims of all forms of violence and injustice."
Dagdag ni Evangelista: “As we speak today, wala pa ho abogado si alias Totoy kaya po ako, representing VACC, it is my duty to speak for someone who has no capacity, not financially equipped, to get a lawyer.
“Naaawa po kami sa kanya and ang part po ng VACC is i-refer siya sa mga department heads na partners ng VACC for 28 years.
"Ang VACC po, nagsasalita lang in defense of someone who went to us. Nag-reach out sa amin kaya dapat both sides.
“Ang pangit naman po tingnan na ang nagsasalita yung lawyer ng mga akusado.
"Ang dami rin niyang sinasabi na imposible na yung akusado ay magiging co-conspirators sa isang pangto-torture, pag-detain, when in fact, ang VACC lang naman, for transparency.
"We are calling NBI na yung travel time ni Michelle, makuha.
“Hindi po ako abogado. Alam ko, dehadong-dehado kami.
"It is our duty to speak in behalf of alias Totoy kasi nga ho, just equalize yung playing field na mabigyan din siya ng hustisya.”
Read: VACC, suportado ang driver na inireklamo sina Rhian, Michelle, Samantha
MICHELLE DEE'S PLANE TICKET
Naunang sinabi ng legal counsel nina Michelle at Rhian na si Atty. Maggie Abraham-Garduque na nasa Iloilo ang Miss Universe Philippines 2023 sa araw na sinabi ni Baro na naganap ang pambubugbog at pagkulong sa kanya sa isang high-end condominium building sa Makati City noong January 17, 2026.
Bilang patunay, ipinakita ni Garduque sa Fast Talk With Boy Abunda ang plane ticket ni Michelle papunta sa Iloilo.
Makikita sa plane ticket na 8:15 A.M. ng January 17 ang flight ni Michelle patungong Iloilo, habang 11:30 P.M. naman ang oras ng kanyang pagbabalik sa Maynila.

Pahayag ni Garduque: "Napanood namin yung interview ng driver ni Rhian Ramos, dito sa allegation na alleged mauling, torture, and illegal detention for three days daw.
"We find this physically impossible and also incredible kasi based on the allegation of the driver, nangyari raw yung alleged mauling and illegal detention, January 17 to 19.
"However, records would show na si Michelle Dee was in Iloilo ng buong araw ng January 17, and she was able to go back to Manila only on January 18.
"So, meron naman siyang mga plane tickets, merong mga pictures or posts niya at ng ibang tao na magpapakita na talagang nandoon siya sa Miss Iloilo at nandoon siya sa lloilo noong mga panahong yon."
Read: Michelle Dee camp says she was in Iloilo during alleged torture