PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Herras balik-dance floor matapos ang breakdown

The show must go on.
by Jojo Gabinete
Published Feb 8, 2026
Mark Herras is back to being Bad Boy ng Dance Floor after breakdown
Mark Herras is back to being Bad Boy ng Dance Floor after his breakdown.
PHOTO/S: Mark Herras on Facebook

Marami ang nag-alala sa kalagayan ni Mark Herras dahil sa breakdown video nito na makikita sa kanyang Instagram post mula pa noong Huwebes, Pebrero 5, 2026.

Naligalig ang mga tagahanga ni Mark, pati na ang mga kaibigan niyang artista, dahil sa nakababahalang video clips na kanyang ibinahagi.

Lumitaw ang mga haka-haka na tiyak na matindi ang pinagdaraanan ng first StarStruck Ultimate Male Survivor dahil hindi sanay ang publiko na nakikita siyang umiiyak.

mark herras crying
Mark Herras crying
Photo/s: @herrasmarkangeloofficial on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Breakdown ni Mark, may kinalaman sa bagong bahay nila ni Nicole?

May mga hinalang baka may problema sila ng kanyang misis na si Nicole Donesa.

Lalong tumindi ang mga suspetsa nang matuklasan ng fans at media na in-unfollow nina Mark at Nicole ang Instagram account ng isa’t-isa.

Read: Restaurant ni Matteo Guidicelli, warak dahil sa "freak accident"

THE SHOW MUST GO ON FOR MARK HERRAS

Pero kagabi, Pebrero 7, 2026, nagtanghal si Mark sa Guadalupe Viejo Fiesta sa Makati City, dalawang araw matapos na pagpiyestahan ang kanyang breakdown video post sa Instagram.

mark herras dancing
Mark Herras dancing
Photo/s: Mark Herras on Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kabilang si Mark sa mga artistang inimbitahan sa GV, Tawanan at Tugtugan 2026.

At tila "the show must go on" ang kanyang motto dahil hinding-hindi mababakas sa kanyang mukha na may pinagdaraanan siyang problema.

Bigay na bigay ang Bad Boy ng Dance Floor sa paggiling at pagsayaw sa ibabaw ng entablado at sa harap ng mga kababaihan.

Nadagdagan ang mainit na pagtanggap kay Mark nang sumayaw ito sa tugtog ng Average Joe, na sumikat noong sumali siya sa StarStruck, ang reality talent competition show ng GMA-7, taong 2023.

Ibinahagi ni Mark sa kanyang Facebook page ang mga social media video post tungkol sa pagtatanghal niya sa pista ng Guadalupe Viejo.

Ikinalugod naman ng kanyang mga tagahanga at pinuri siya dahil sa ipinamalas na propesyonalismo sa kabila ng mabigat na problema na tanging sila lamang ni Nicole ang nakakaalam sa tunay na pinag-ugatan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Herras is back to being Bad Boy ng Dance Floor after his breakdown.
PHOTO/S: Mark Herras on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results