Hindi lamang si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang beauty queen na wala nang kontrata sa Sparkle GMA Artist Center.
Hindi na rin contract artist ng talent management agency ng GMA Network, Inc. si Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina.
Ipinakilala si Maxine bilang official Sparkle GMA Artist talent noong Mayo 2023, pero nag-umpisa siyang lumabas sa mga programa ng Kapuso Network noong 2020.
Read: Ahtisa Manalo pipirma na; Rabiya Mateo, aalis ng Sparkle
Wala na rin sa Sparkle si Rita Daniela na lumipat sa Viva Artists Agency noong Pebrero 25, 2026.
Read: Rita Daniela, bakit umalis sa Sparkle at lumipat sa Viva?
HOMEGROWN KAPUSO TALENTS
Samantala, hindi pa naglalabas ng pahayag sina Yasmien Kurdi, Sef Cadayona, at Radson Flores tungkol sa pagtatapos ng kanilang mga kontrata sa Sparkle.
Mga homegrown talent ng GMA-7 sina Yasmien, Sef, at Radson.
Mga produkto sila ng StarStruck, ang reality-based artista search ng Kapuso network, kaya marami ang nagtaka sa balitang hindi na ang Sparkle GMA Artist Center ang mamamahala sa kanilang mga showbiz career.
Nag-umpisa ang showbiz career ni Yasmien nang sumali siya sa Season 1 ng StarStruck (2003-2004).
StarStruck Season V (2009-2010) alumnus si Sef, at StarStruck Season 7 (2019) contender si Radson.
Wala na rin sa listahan ng contract stars ng Sparkle GMA Artist Center sina Pancho Magno, Bryce Eusebio, Althea Ablan, Kirst Viray, Hannah Precillas, at Sandro Muhlach.
Si Hannah ang nagwagi sa Bet ng Bayan, ang reality competition program ng Kapuso Network noong 2014.
Read: Young entertainment personality notorious sa prima-donna attitude
SANDRO MUHLACH NO LONGER A SPARKLE ARTIST
Nakipag-ugnayan ang Cabinet Files kay Sandro Muhlach para sa panig niya tungkol sa pagtatapos ng kanyang kontrata sa Sparkle, pero hindi pa siya sumasagot.
Sentro ng kontrobersiya si Sandro noong Hulyo 2024 dahil sa kanyang alegasyon tungkol sa diumano’y pang-aabuso na naranasan niya mula sa mga kamay nina Richard "Dode" Cruz at Jojo Nones.
Nagsampa ng kaso si Sandro laban sa dalawang independent contractors ng GMA, at patuloy na dinidinig sa korte ang demandang inihain niya.
Read: Sandro Muhlach camp lauds DOJ rape charges vs Nones, Cruz