Kinuwestiyon ng ilang netizens ang sabay-sabay na pagtatapos ng apat na personalidad ng kursong Bachelor of Science in Office Administration sa ilalim ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) ng Philippine Christian University (PCU).
Ang ETEEAP Program ay isang programa ng Commission on Higher Education (CHED) na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang working professionals na makakuha ng college degree kahit hindi sila dumaan sa tradisyunal na apat na taong pag-aaral sa isang unibersidad.
Kabilang sa mga nagtapos ang singer-actress na si Geneva Cruz, ang ina ni Carlos Yulo na si Angelica Poquiz Yulo, ang talent manager na si Wilbert Tolentino, at ang actress-content creator na si Sachzna Laparan.
Naganap 86th Commencement Exercises ng PCU na dinaluhan ng mga nabanggit na celebrities sa Philippine International Convention Center, Pasay City, noong Marso 13.
Magkakasunod siang naglabas ng mga larawan ng kanilang graduation day sa social media.
Read: Sachzna Laparan addresses claims she bought her college diploma
GENEVA CRUZ
View this post on Instagram
ANGELICA YULO
WILBERT TOLENTINO
SACHZNA LAPARAN
View this post on Instagram
CALLS FOR INVESTIGATION
Dahil dito, nagkaroon ng isyu at hinihimok ng mga nagtatanong na netizens na mag-imbestiga ang CHED.
Minsan nang nasangkot sa isyu ang PCU.
Noong Agosto 2023, naglabas ng show cause at cease-and-desist order ang CHED laban sa nasabing unibersidad na pinaratangan ng unauthorized transnational and distance education programs.
Ngayong Martes, Marso 17, nakipag-ugnayan ang Cabinet Files sa pamunuan ng PCU, upang kunan sila ng pahayag tungkol sa isyung ito.
Isang tauhan ng President’s Office ng PCU ang nakausap ng Cabinet Files.
Ayon sa kanya, maglalabas ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng unibersidad bilang paglilinaw sa kontrobersiyal na usapin.
“Maglalabas po kami, hinihintay pa lang po namin yung documents po nila [graduates] pero complete naman po yon.
“Magre-release po kami ng official statement regarding po sa graduation nila,” sabi ng PCU employee na nakiusap na huwag nang banggitin ang kanyang pangalan.
Read: VIRAL: Gasoline boy explaining oil crisis turns out to be a cum laude graduate
Tinanong ng Cabinet Files ang isyu tungkol sa magkakaparehong kurso ng mga kilalang personalidad.
Sagot ng aming kausap, “Siyempre po, ang idea po ng program, e, naka-cater po talaga yan sa mga busy person. Graduate po rin dito si Sir Manny Pacquiao.”
Management majoring in Public Administration ang master’s degree ni Pacquiao mula sa PCU.
Dumalo siya sa 79th Commencement Exercises na ginanap sa PICC noong Agosto 27, 2022.
Read: Senator Manny Pacquiao, college graduate na sa edad na 41
Hindi lamang si Pacquiao ang nagkaroon ng diploma mula sa PCU dahil dito rin nagtapos ng pag-aaral si Karla Estrada.
Gaya nina Geneva, Angelica, Wilbert, at Sachzna, Bachelor of Science in Office Administration ang kursong nakumpleto ni Karla sa PCU noong Hulyo 2023.
Read: Karla Estrada graduates from college
Ang iba pang nag-aral o kumuha ng master's degree sa PCU noon ay ang mga aktor na sina Jason Abalos at JC Tiuseco.
View this post on Instagram
ARELLANO UNIVERSITY
Hindi lamang ang Philippine Christian University ang unibersidad na tumatanggap ng mga celebrity para sa Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program.
Kilala rin ang Arellano University sa programang ito.
Kabilang sa kanilang graduates ay sina Yasmien Kurdi, Jhong Hilario, Sunshine Cruz, Valerie Concepcion, Gardo Versoza, Kevin Santos, at Bayani Agbayani.