Hindi nakapagpigil si Sachzna Laparan, 27, na sagutin ang mga pagdududa ng ilang netizens tungkol sa pagtatapos niya ng kolehiyo.
Noong March 13, 2026, ipinost ni Sachzna online ang kanyang graduation photos nang magtapos siya ng kursong Bachelor of Science in Office Administration sa Philippine Christian University (PCU).
Sa kanyang post, sinabi ng actress-content creator na ang kanyang pagtatapos ang pinaka-proud niyang achievement sa buhay.
Read: Sachzna’s money advice: Be careful who you trust
Lalo na sa murang edad na 13 ay nagsimula na raw siyang magtrabaho upang makatulong sa kanyang pamilya.

Saad ni Sachzna (published as is): "Hindi madali maging CEO, actress, content creator, at student at the same time. Pero i’m so proud of myself kasi kinaya ko at kinakaya ko palagi.
"Habang nakikita ninyo ako sa harap ng camera, palihim kong tinutupad ang isa sa pinakamahalagang pangarap ko — ang makatapos ng pag-aaral.
"Nagsimula akong magtrabaho at the age of 13. That’s why I had to stop studying at the age of 16, kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na agad makapagtapos ng college dahil breadwinner ako.
"Pero pinangako ko sa sarili ko na matatapos ko ang pag-aaral ko no matter what happens.. kahit anong edad pa ‘yan at kahit ano pang accomplishments ang na-achieve ko na.
"Walang deadline ang pangarap."
Read: Sachzna Laparan opens up about being a victim of sexual abuse
Sachzna’s graduation met with claims she “bought” her diploma
Samantala, habang maraming tagahanga ni Sachzna ang natuwa sa milestone na ito, may ilang netizens namang nagduda sa kanyang pagtatapos.
May mga netizen na nag-espekula na, diumano, binili lamang ng aktres ang kanyang college diploma.
Kailanman daw kasi ay hindi nila nakitang nag-post siya noon tungkol sa kanyang pag-aaral.
Mariing itinanggi ni Sachzna ang nasabing paratang.
Read: James Blanco on estrangement from kids: "Napakasakit."
Sa kanyang Facebook post noong March 14, iginiit ni Sachzna na pinaghirapan at pinagsumikapan niya ang pagkuha ng kanyang college degree.
Saad niya (published as is): "First time kong papatol sa fake news, dahil hindi biro ang mga napagdaanan ko.
"Nasasaktan ako sa ibang articles na nababasa ko na sinasabing binili ko daw ang diploma ko.
"Una sa lahat, hindi ganun ang pagkakakilala ko sa Philippine Christian University. Isa sila sa mga university na pro-working student at may magandang program para sa mga taong sobrang busy pero gusto pa rin makapagtapos ng pag-aaral.
"Pangalawa, parang ini-invalidate ninyo yung pagod, effort, at dedication ko para makapagtapos.
"Kaya nga isang beses ko lang ito pinost dati, dahil alam kong marami ang evil eye at hindi magiging masaya.
"Gusto ko lang talaga na gulatin kayo at mapatanong kung 'Paano mo nagawa kahit sobrang busy mo at active sa social media?'"
Ayon pa kay Sachzna, ang pagbabalik niya sa pag-aaral ang isa sa mga dahilan kung bakit pinili niyang huwag munang mag-asawa o magkaanak.
Read: AJ Raval dreams of having 12 children: "Ang saya nun."
Pahayag niya: "Hindi ito madali kung wala kang determination. Matter of time, dedication, and sacrifice.
"Kaya nga hindi pa ako nag-aasawa o nagkakaanak, dahil may mga goals pa akong gustong tapusin.
"Sa mga pages na nagpapakalat ng fake news, sana magbago na kayo — 2026 na."
Sachzna hopes people celebrate others’ achievements instead of spreading negativity
Inamin ni Sachzna na may kamahalan ang pagpasok niya sa Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) kumpara sa tradisyunal na college program.

Gayunpaman, sinabi niyang naging patas pa rin ang kanyang mga professor sa pagtrato at pagbibigay ng grado.
Ang ETEEAP Program ay isang programa ng Commission on Higher Education (CHED) na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang working professionals na makakuha ng college degree kahit hindi sila dumaan sa tradisyunal na apat na taong pag-aaral sa isang unibersidad.
Sa ilalim ng programang ito, kinikilala ng mga paaralang may awtorisasyon mula sa CHED ang work experience, training, at iba pang natutunang skills ng isang indibidwal.
Sa pamamagitan ng assessment, portfolio review, at iba pang evaluation, maaaring ma-convert ang mga ito bilang academic credits na maaaring humantong sa pagkakaloob ng isang degree.
Read: UP Open University free tuition: Who are eligible, how to apply?
Pahayag ni Sachzna (published as is): "May tinatawag na ETEEAP program, at bago ka makapasok doon ay may qualifications pa rin.
"Medyo may kamahalan din siya, pero dahil kaya ko na ngayon (hindi katulad dati), ginrab ko na ang opportunity.
"Gusto ko rin ma-take advantage yung experience na meron ako, lalo na may business experience na rin ako—kaya Office Administration ang kinuha kong course dahil related ito sa pagiging business owner ko for 6 years.
"At dito, patas pa rin ang mga professor. May pera ka man o wala, kilala ka man o hindi, pwede ka pa ring ibagsak.
"Napakarami ring submissions—parang makakabuo ka na ng isang libro sa dami."
Read: John Feir in the “right place” as he attends Mikoy’s wedding
Sa huli, hiling ni Sachzna na sa halip na pagdudahan ang kanyang pagsusumikap ay maging masaya na lamang ang iba sa kanyang natupad na pangarap.
Aniya (published as is): "I hope mas maging masaya na lang tayo sa achievements ng isa’t isa. Napakadami na masyado nangyayari sa Pilipinas. Gawin natin inspiration ang bawat isa.
"Anyway, kahit ano pa sabihin ninyo, complete ako, masaya ang buhay ko, at PROUD DEGREE HOLDER AKO.
"Hindi na dapat ako nag-eexplain. Dapat nga nagce-celebrate na lang ako. Pero ang dami pa ring makitid ang utak at sobrang negative sa buhay.
"Sana mahanap ninyo yung peace na hinahanap ninyo sa buhay ninyo."
