Ang propesyunalismo ng mga artistang higit na nakababata sa kanila ang ikinuwento at pinuri nina Celeste Legaspi, Mitch Valdes, at Nanette Inventor sa media conference ng kanilang concert, ang The OPM Friends: Groovin The Greatest Hit, na gaganapin sa Newport Performing Arts Theatre sa Marso 27, 2026
Hindi lamang mga mahuhusay na mang-aawit ang tatlo dahil umaarte rin sila sa mga pelikula at teleserye.
Kaya mula sa personal na karanasan ang kanilang ibinahagi sa media conference ng The OPM Friends na naganap sa Viva Café, Quezon City, nitong Huwebes ng tanghali, Marso 19.
Kasama nina Celeste, Mitch, at Nanette sa The OPM Friends ang kanilang mga kaibigang sina Ding Mercado, Bo Cerrudo, Pinky Marquez, Pat Castillo, at Leah Navarro — mga kapwa nila entertainers na namayagpag nang husto ang mga singing career noong dekada ’70 at ‘80.
Read: VIRAL: Sofia Andres hilariously introduces herself as "Jeff Canoy" on air

MITCH VALDES
Bumilib si Mitch sa ilang Kapamilya stars na nakatrabaho niya sa mga teleserye, gaya nina JM de Guzman at Shaina Magdayao.
Saad niya: “Each one is very interesting. Kasi sabi ko nga, nakakulong kayo sa tent.
"There is no choice except to get to know each other, and to watch them work is also something very different that you can learn from.
“Minsan nalalaglag yung panga ko sa mga kasama ko, like I’m working with Shaina Magdayao now and JM de Guzman."
Panay naman ang papuri ni Mitch kay Coco Martin, na nakatrabaho niya noon sa FPJ's Ang Probinsyano.
Lahad ni Mitch: “And then, the first time I met Coco Martin, talagang nalaglag ang panga ko.
"Nagdidirek, nag-i-stunt, pagkatapos umiiyak pa on scene, pagktapos ire-rewrite pa niya yung script.
"Pagkatapos siya yung the first to arrive and last to go home.
"Sabi ko, grabe itong mamang ito. He deserves all the success.
"So all these young people have enriched us. All these young people, and we will continue working with all the young people.
“They’re very professional, if I may say so. All of them, they come on time.
"Maybe it’s also the way they were briefed and trained by the studios."
Hindi napigilan ni Mitch na ikumpara ang mga ugali ng mga artistang nakatrabaho niya noon sa mga artista ngayon.
“Alam mo yung kabataan ngayon, professional na. Walang nale-late. Walang hindi alam yung linya.
"Kasi nung ‘80s, ‘90s, nakuuuuuuu!
“Calltime na 7 A.M., darating ng 7 P.M. Hindi na namin babanggitin. Gusto mo murahin pero wala kang magawa.”
Read: James Blanco, napilitan lang umaming hiwalay na sa asawa
CELESTE LEGASPI
Ang karanasan naman niya kay Belle Mariano nang magkasama sila sa isang teleserye ng ABS-CBN ang inilahad ni Celeste.
“I’ve learned a lot from the young people. When I was working in Can’t Buy Me Love, si Belle Mariano, my gosh!
“I think I went to work for four consecutive days. All those days, umiiyak siya in all the eksena.
"I don’t know where she’s getting it, ‘Talagang umiiyak ka na naman?’
“She would just cry. She would just be there and cry.
"She would listen to music and then she cry,” manghang-manghang kuwento ni Celeste tungkol kay Belle.
Dagdag pa ng veteran singer-actress: “But the other thing is that all the young people I’ve worked with were very professional. Nobody would be late.
"At saka kapag take, alam nila lahat ng lines. Check it with the script correct, eksakto."
NANETTE INVENTOR
Gaya nina Mitch at Celeste, positibo rin ang mga salitang binitiwan ni Nanette tungkol sa mga kabataang aktor na nakasama niya sa Viva One original series na Ang Mutya ng Section E.
“Ako naman, masayang-masaya ako sa Ang Mutya ng Section E. Nandun ako, ako ang kanilang lola,” ani Nanette.
“Natutuwa ako sa mga bata sapagkat dinadala nila yung mga sarili nilang gamit saka ang ganda ng training nila. Nagwo-workshop pala sila palagi.
“Ang ganda ng nagte-training sa kanila, sa acting and everything. And number one, yung discipline.
“Dumarating sa tamang oras kaya tuwang-tuwa ako talaga. Sabi ko, ito ay talagang biyaya ng Panginoon.”
Read: Anthony Pangilinan, son Donny cut diesel prices at family gas station