Noong Pebrero 26, 2026 ang original playdate ng pelikulang Wonderful Nightmare na pinagbibidahan nina Kim Molina at Jerald Napoles.
Pero nagdesisyon ang Viva Films management na ipalabas sa mga sinehan sa Abril 4, 2026 ang pelikula bilang pagbibigay-daan sa wonderful beach wedding ng dalawa na naganap sa isang resort sa Bohol noong Marso 1.
Read: Kim Molina’s wedding march truly “a walk to remember”
Nang humarap sila sa mga miyembro ng entertainment press ngayong Huwebes, Marso 19, si Kim ang nagsalita tungkol sa iniurong na petsa ng pagtatanghal sa sinehan ng Philippine adaptation ng sikat na South Korean movie.
“It’s more of management’s decision,” sabi ni Kim.
Lubos ang pasasalamat ng comedienne-singer naging pasya ng kanyang home studio.
Ani Kim: “Ang Viva kasi, with me and Je, especially with me kasi teenager pa lang ako...
"I started with Viva, I was 18, 19, on and off ako, kasi nag-school pa ako nung time na yon. Family talaga ang trato nila.
"Alam din kasi nila na this moment of our lives is once in a lifetime also.
"And as much as we do have promos, in a way, nagkakahiyaan kami kapag kunwari, ‘Ms. Kim, ito yung schedule ninyo.’
“Sasabihin ko na, ‘Ay, bibisitahin po namin ang mga ninong namin.’
"Kasi may mga ganoon bago ka ikasal, pupuntahan mo yung mga ninong, ninang mo, ibibigay mo personally yung mga invitation.
“I think, in a way, they gave us a chance to… you know, yung bridal area, mga groom area.
“What’s best for us, yun ang laging iniisip ni Viva. Thank you so much Ninong Boss Vic [del Rosario, Viva big boss].”
Read: Lella Ford grateful to Kaila Estrada for making Daniel "happy"
JEARLD AND KIM'S "FIRST NIGHT"
Nang kumustahin ng entertainment press ang unang gabi at araw nila ni Jerald bilang mag-asawa, ”natulog” sila ang natatawang sagot ni Kim.
“First night, lasing kaming lahat," sabi niya.
"Well, open naman kami ni Je na we’ve been living in together since pandemic, accidentally.
“First night, medyo tipsy, tapos paghiga namin…
"Mas na-reminisce na lang namin kung ano yung nangyari kasi it was very magical because the theme is magical.
“It’s a mermaid-themed wedding. Kahit the sky, kumbaga, parang the sky, it turned pink, orange, and purple.
"Tapos yung cloud, legit na nag-shape siya into a mermaid.
“Medyo nawiwindang kami sa parts na ganoon so we were just talking about it.
"That was basically our first night.
"Pero nag-usap lang kami ng five minutes. After nun, tulog na."
Read: Netizens, kinuwestiyon ang sabay-sabay pag-graduate ng apat na celebs sa PCU
WHY KIM MOLINA CHOSE MARCH 1 AS THEIR WEDDING DATE
May paliwanag si Kim sa pagpili niya sa Marso 1 bilang petsa ng kanilang pagpapakasal.
Saad niya: “The day after kasi, the reason why March 1 yung wedding, because I decided na yung after party, salubong ng birthday niya [Jerald].
"Kasi hindi pa nagbi-birthday party si Je ever in his life. It’s also the first time na nag-birthday party siya.
"First time na nag-birthday party siya na both his parents were present.
“Basically, after the wedding, it was moments with people close to us.”
Samantala, ang maging masaya si Kim sa araw ng kanilang pag-iisang-dibdib ang tanging hiling ni Jerald.
Maligayang-maligaya rin siya dahil tumigil ang ulan ilang oras bago sila ikinasal.
“Ang wish ko lang naman, masaya yung bride ko, so natupad naman yon.
"Even the weather, parang naki-cooperate. Ang nangyari, umulan ng tanghali.
"Sakto si Kuya Kim nandoon. Ninong namin si Kuya Kim.
“Sabi ni Kuya Kim, on the spot, ‘Alam mo na yung ulan na yan, kapag ganyan ang ulan, one hour lang ‘yan.’
“True enough, one hour lang yung ulan,” namamanghang kuwento ni Jerald dahil nagkatotoo ang sinabi ni Kim Atienza.
Read: James Blanco, napilitan lang umaming hiwalay na sa asawa