Pinabulaanan ng mga residente ng Malabon City na lehitimo ang tarpaulin na nagpapakita kay Mayor Jeannie Sandoval sa kaanyuan ng Birheng Maria na nagpahayag ng pakikiisa at pagbati sa pagdiriwang ng Semana Santa.
Dahil dito, umaani siya ng mga batikos mula sa netizens.
Ayon sa isang mamamayan ng Malabon na nakausap ng Cabinet Files ngayong Sabado, Marso 28, 2026, "fake" ang screenshots ng tarpaulin na kumakalat ngayon sa social media.
Kung totoo raw ito, tiyak na ibinahagi na ito sa mga official Facebook page ni Sandoval at ng Malabon City Government.
Mapapansin ding mali ang spelling ng pangalan ni Sandoval na nakasulat sa ibabaw na bahagi ng tarpaulin.
Hindi rin tama ang ginamit na salitang "ipinagdiriwang" ang Semana Santa dahil ginugunita ito.
Read: Regine Velasquez announces final major concert in October before retirement

Nakipag-ugnayan ang Cabinet Files sa tanggapan ni Mayor Sandoval para sa panig at opisyal na pahayag nito, pero hindi pa siya sumasagot o ang kanyang kinatawan sa mensaheng ipinadala sa mga contact number na nakalagay sa Facebook page niya.
Viral na ang mga screenshot ng fake issue tungkol kay Sandoval at matitindi na ang mga panghuhusga laban sa kanya kaya nararapat lamang na linawin niya ang isyu.
PILI, CAMARINES MAYOR TO PLAY VIRGIN MARY IN SENAKULO
Samantala, totoo at hindi fake news ang nakatakdang pagganap ni Pili, Camarines Sur Mayor Marivic Solano bilang Birheng Maria at ina ni Hesus Kristo sa passion play na “An Pasyon ni Kristo.”
Si Solano ang kauna-unahang babaeng nahalal na mayor sa bayan ng Pili noong Mayo 2025.
Ang kanyang MBS Production ang producer ng passion play na itatanghal sa Huwebes Santo, Abril 2, sa bayan na nasasakupan niya.
Makikita sa official Facebook page ng "An Pasyon ni Kristo" ang poster nito at ang larawan ng mga gaganap, kabilang ang litrato ni Mayor Solano na magbibigay-buhay sa karakter ng Inang Birhen.

Kinumpirma ng Asintado News Radyo, ang radio station sa Bicol region, ang partisipasyon ni Solano bilang Birheng Maria na simbolo ng wagas na pagmamahal, kababang-loob, katatagan, at matibay na pananampalatay sa gitna ng matinding pagsubok.
Read: Shuvee Etrata recalls intense bashing she faced in the past