Hindi na kasama ang pangalan ni Imelda Schweighart, 30, sa listahan ng mga opisyal na kandidata ng Miss Universe Philippines 2026.
Si Imelda ang kinatawan ng Kalibo, Aklan.
Ito ang dahilan kaya natukoy na tungkol sa kanya ang opisyal na pahayag na inilabas ng Miss Universe Philippines Organization (MUPO) ngayong araw, Marso 28, 2026.
Hindi binanggit sa official statement ng pamunuan ng MUPOP ang pangalan ng kandidata na itiniwalag.
Hindi rin nila idinetalye ang ginawa ng kandadata.
Pero natukoy na si Imelda ito.
Read: Pageant winners, magpupuksaan sa Miss Universe Philippines 2026
Ito ang kabuuan ng pahayag ng MUPH Organization: “The Miss Universe Philippines Organization shares an update regarding the participation of one of its official delegates.
“At MUPH, we value individuality and encourage each delegate to express herself authentically.
"At the same time, we remain committed to maintaining a positive and respectful environment for all-one that supports fellow delegates, honors our partners, and upholds the integrity of the organization.
“Following concerns that were brought to our attention, the organization undertook a careful and thorough review of the matter.
"The delegate was given both verbal and written guidance to help address the situation.
"Despite these efforts, certain behaviors continued in ways that were not aligned with the standards we aim to uphold.
“As such, it has been decided that the delegate will no longer be allowed to continue in the competition.
“MUPH believes in fostering an environment that is uplifting, respectful, and empowering to women. We remain dedicated to ensuring that the experience is constructive and meaningful for everyone involved.
“We thank the public for their understanding and continued support.”

Hindi pa naglalabas ng paliwanag si Imelda tungkol sa kinahinatnan ng kanyang pagsali sa Miss Universe Philippines 2026.
Read: Imelda Schweighart reacts to crass comments from bashers
IMELDA SCHWEIGHART'S CONTROVERSIES
Hindi nawalan ng kontrobersiya ang pagsali ni Imelda sa mga beauty pageant.
Nang maging kinatawan siya ng Pilipinas sa Miss Earth 2016, inakusahan niya ng "fake nose, fake chin, fake boobs" ang nanalong si Katherine Espin ng Ecuador.
Inihingi ni Imelda ng paumanhin ang kanyang ginawa, pero nanindigan siyang totoo ang mga sinabi niya.
Read: Miss PH Earth 2016 Imelda Schweighart takes a swipe at Miss Ecuador

Hindi natapos ni Imelda ang termino nito bilang Miss Earth Philippines 2016 dahil nalaman ng Miss Philippines Earth Organization na buntis siya at isinilang niya ang kanyang anak noong Hulyo 21, 2017.
Imee Hart ang screen name ni Imelda noong aktibo pa ito sa pag-aartista.

Pero ginamit niya ang kanyang tunay na pangalan nang sumali siya sa 50th Binibining Pilipinas noong 2013.

Hindi pinalad si Imelda na manalo sa Binibining Pilipinas, pero siya ang nagwagi nang subukan niya ang kanyang kapalaran sa Miss Philippines Earth noong 2016.