PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kathryn Bernardo at Mark Alcala, spotted sa Thailand airport

Kathryn Bernardo at Mayor Mark Alcala, magka-camping Bhutan?
by Jojo Gabinete
Published Apr 1, 2026
kathryn bernardo mark alcala thailand airport
Kathryn Bernardo and her rumored boyfriend Mark Alcala were spotted at a Thailand airport, reportedly en route to Bhutan for a camping trip. Some netizens, claiming to be avid fans of the actress, have criticized the Lucena mayor for traveling with her.
PHOTO/S: X (Twitter)

Imbes na mangilin at magtika sa kanilang mga kasalanan ngayong Semana Santa, mas pinili ng ilang netizens na batikusin ang rumored boyfriend ni Kathryn Bernardo na si Lucena City Mayor Mark Alcala dahil nakita silang magkasama sa Suvarnabhumi Airport sa Samut Prakan, Thailand.

Nakunan ng larawan sina Kathryn at Mark sa international airport ng Thailand.

kathryn bernardo mark alacala thailand airport
Kathryn Bernardo and rumored boyfriend Mayor Mark Alcala were reportedly spotted at the Suvarnabhumi Airport in Thailand.
Photo/s: Twitter
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa isang nakausap ng Cabinet Files, sa pagkakaalam niya, bumiyahe ang dalawa sa Thailand noong Lunes, Marso 30, 2026.

Medyo malabo ang viral photo nina Kathryn at Mark sa Suvarnabhumi Airport kaya malakas ang mga hinalang palihim silang kinunan ng litrato ng mga Pilipinong nakakilala sa kanila.

May mga nagsasabing pupunta sina Kathryn at Mark sa Bhutan para mag-camping, pero sila lamang ang nakakaalam sa kanilang mga tunay na plano.

Para makarating sa Bhutan, kailangang pumunta sa Thailand ng mga pasahero para sa eroplanong magdadala sa kanila sa bansang naging bahagi ng buhay ni Kathryn.

Kinunan sa Bhutan ang ilang mahahalagang eksena ng Princess & I, ang primetime series ng ABS-CBN na napanood mula Abril 2012 hanggang Pebrero 2013.

Pinagbidahan ito ni Kathryn at ng ex-boyfriend niyang si Daniel Padilla.

kathryn bernardo princess and i
Kathryn Bernardo in Princess and I
Photo/s: ABS-CBN
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Related Stories:

NETIZENS BASH MARK ALCALA

Ang kumalat na larawan ang dahilan kaya binabatikos nang matindi si Mark.

Personal na ang mga banat sa rumored boyfriend ni Kathryn dahil idinadamay na ang pagiging mayor nito ng Lucena City.

Kinukuwestiyon din ang pagpunta niya sa ibang bansa na parang wala na siyang karapatang magbakasyon.

Komento ng isang netizen (published as is): "Haba ng bakasyon ni mayor alcala at kathryn ah. Samantala ibang mayor nag aaward na ng employee of the year, jowa ng idol mo patravel travel lang. Isang linggo sa thailand then lipad ulit sa next destination? Taray."

Ayon sa isa: "minimum wage workers cant even take a day off without begging or getting sick first habang tong mga trapo naka unli leave at unli kapal ng mukha at may mga enabler pa KADIRI!!"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pasaring ng isa: "Most travelled Mayor is now open for nominations"

Dagdag ng isa: "may national crisis na sa bansa pero nagawa pang magbakasyon ng napakatagal SANA OL. mind you may sweldo pa rin yan kahit naka unlimited leaves sana ol ulit Ahahahahah"

Ang mga umiidolo kay Kathryn na hindi boto kay Mark ang nangunguna sa pagbatikos sa alkalde ng Lucena City, na pinaniniwalaang karelasyon na niya kahit walang direktang kumpirmasyon mula sa magkabilang panig.

Sa kabilang banda, may mga nagtanggol din sa rumored boyfriend ni Kathryn.

Sabi ng isa: "Nahiya naman si Mayor sa mga hindi taga-Lucena—he acted ahead of everyone else, even before national. 3 weeks ago pa, nagbigay na ng P3K subsidy for PUV drivers, on top of P5K na hanggang ngayon wala pa. He did his job early. Sakto lang na sumabay ang crisis sa leave niya."

Pagtatanggol ng isa: "Even workers need rest; you can't expect him to work 24/7 without any breaks."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Madalas na ang mga sighting kina Mark at Kathryn na palaging nakukunan ng larawan sa tuwing pumupunta sa mga mall,

Hudyat ito ng dahan-dahang pag-amin nila sa kanilang pagmamahalan na hindi na kailangan ng public approval dahil pareho na silang trentahin.

Read: DISMISSED: Liza Diño cyber-libel complaint against PEP, Tirso Cruz III, Joey Reyes, Atty. Joji Alonso

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kathryn Bernardo and her rumored boyfriend Mark Alcala were spotted at a Thailand airport, reportedly en route to Bhutan for a camping trip. Some netizens, claiming to be avid fans of the actress, have criticized the Lucena mayor for traveling with her.
PHOTO/S: X (Twitter)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results