Sa unang tingin, simpleng tattoo ang mapapansin sa ibabaw ng ulo ng VMX sexy actor na si JC Tan, 34.
Pero kapag pinagmasdang mabuti, ang imahe ni Hesus Kristo ang makikita sa ulo niya.

Si JC ang isa sa mga lead actor ng VMX movie na Pasada: Barurot Dos.
Sa ginanap na media conference ng proyektong pinagbibidahan nila nina Margaret Diaz at Aerol Carmelo, tinanong ng Cabinet Files ang dahilan ng pagpapa-tattoo niya sa ulo ng imahe ni Hesus Kristo.
“Sobrang lakas po ng faith ko kay Jesus Christ. Sabi nila masakit, pero mas masakit yung nasa puso ko,” sagot ni JC.
Bakit sa ulo niya naisipang magpalagay ng tattoo?
“Nandun po yung pinakamasakit na alam kong hindi kaya ng pangkaraniwan,” sabi ni JC.
Tiniyak ng sexy actor ang malakas na espritiwal na relasyon niya sa Panginoong Diyos.
Read: Hubaderos 2026 1Q: The Big Four, Piolo, sexy actors on fire
JC TAN'S JESUS CHRIST TATTOO ON HIS HEAD
Hindi rin naging maramot si JC sa pagkukuwento nang itanong ng Cabinet Files ang proseso ng pagpapa-tattoo niya sa ulo ng imahe ni Hesus Kristo.
Lahad niya: “Meron po akong trusted tattoo artists na mga tropa and then, tsine-check ko muna ang mga work nila.
“Itong tatoo artist, siya rin ang nag-tattoo kay Solenn Heusaff.
“Nag-decide akong magpa-tattoo when I felt pain, when I was alone.
“Nag-start po ang tattoo session ng 9 A.M. and then nag-break yung tattoo artist ng lunchtime, then natapos kami ng 2 P.M."
Pagbabahagi pa ni JC: “Bago po ako nagpa-tattoo, nag-ask na ako silently kay God ng sign sa tattoo na I want to put in my head. And I don’t regret it.
“'Lord, hindi ko naman po hinahangad ang pagsikat, mag-exist lang ako because I love acting so much.
"'I love this kind of world. I really really love to act. Give me more projects, Lord.'"
Read: Video scandal ng actor-politician, nagsisimula nang kumalat
JC TAN'S LIFE STORY
Ayon sa mga direktor na nakatrabaho ni JC ay mahusay itong umarte sa mga proyektong tinatampukan niya.
Hindi naman ito nakapagtataka dahil sa malungkot na kuwento ng kanyang buhay at mga pagsubok na pinagdaraanan.
Bukod sa Jesus Christ tattoo sa ibabaw ng ulo, ipina-tattoo rin ni JC sa likod niya ang imahe ng mag-asawang umampon sa kanya at kinagisnang lolo at lola—si Lola Rosita, na pumanaw noong 2015, at si Lolo Herminigildo, na binawian ng buhay noong 2019.
Nang itanong ng Cabinet Files kung naabutan ng kanyang adoptive grandparents ang pagpasok niya sa showbiz, napaluha si JC.
“Dati na akong natalo sa buhay,” ani JC.
“Sila ang nagpalaki at nag-alaga sa akin. Nag-artista ako noong 2017, paekstra-ekstra ako. Naabutan ng lolo ko ang pag-aartista ko pero…”
Hindi na natapos ni JC ang sasabihin dahil napaluha na siya.
Ayon kay JC, dalawang taon ang kanyang edad nang ampunin siya ng Lolo Herminigildo at Lola Rosita niya na naninirahan sa Abra.
Hindi na nakilala ni JC ang kanyang biological parents pero, diumano, Tan ang apelyido ng nanay niya.
“Hindi alam kung buhay pa ang nanay,” madamdaming pahayag ni JC.
Pero hindi na raw siya interesadong makilala ang kanyang tunay na ina.
Katwiran niya, “Kung gusto pa nila akong makita, sana binalikan nila ako."
Kuwento pa ni JC: “Hindi ko alam ang hitsura niya. Nakalagay na ipinanganak ako sa Pasay.
“Nung nabuntis daw ang nanay ko, iniwan siya ng tatay ko. And then, yung nanay ko, habang buntis siya, nakilala niya ang guy na taga-Abra.
“Tapos nung ipinanganak ako, nag-decide silang ibigay ako sa side ng father ko na nakilala niya.
"Yung father naman niya, may brother, yun ang lolo ko.
“Yung lolo ko, wala silang anak. Sobrang minahal nila ako ng lola ko.”
"BARUROT KING"
Nangyari ang pakikipag-usap ng Cabinet Files kay JC sa media conference ng Barurot Dos na naganap nitong Biyernes ng tanghali, Abril 24, 2026.
Ang cult director na si Roman Perez Jr .ang creative director ng Barurot 2, at siya ang nagbigay kay JC ng "Barurot King title" dahil sa mahusay na pagganap ng aktor sa pelikulang mapapanood sa VMX streaming site.
Read: Lotlot de Leon's camp breaks silence on issue with brother Ian de Leon
