JERRY OLEA
Scandalicious ang frontrunners sa talaan ng Pinoy Hubaderos para sa unang quarter ng 2026 — The Big Four.
Nikko Natividad.
Gil Cuerva.
Ron Angeles.
Arron Villaflor.
Pinagpiyestahan ng netizens ang kanilang intimate videos umpisa Pebrero 28, Sabado, kaalinsabay ng big night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0.
Sakop na iyon ng Cuaresma.

Apat pang big boys ang kasunod na bumida.
Umamin na sina Nico Locco at Andre Cue.
Walang pagtanggi o confirmation mula kina Thirdy Galvin at Sam Ajdani kung sila nga ba yung nasa kumalat na scandalous videos.

Sa pagratsada ng AI at deepfake, itinuturing nating alleged ang mga video scandal kung walang pag-ako sa mga itinuturong sangkot.
Usap-usapan na mahigit limampung (50) pogilicious yummylicious celebs or personalities pa ang nabiktima — walang kaalam-alam na na-video sila habang nakikipagtalik.
Sa Dakilang Ocho, si Nico ang nag-frontal na sa erotic BL series na Love at the End of the World (2021) na streaming sa Gagaoolala at VMX (dating Vivamax).
Si Nikko ay nag-prosthetic penis sa mga pelikulang Salamat Daks (2023) at I Am Not Big Bird (2024).
Related Stories
- Alleged video scandal ng "The Big Four" kumakalat
- TRENDING: "The Big Four" sa reality show at sa video scandal
- Gil Cuerva breaks silence amid leaked video scandal
- Nikko Natividad admits video scandal: "Nademonyo ako, natukso."
- Arron Villaflor finally addresses alleged video scandal
- Ron Angeles spills details about viral video scandal
- Nico Locco on leaked video scandal: "Yes. It’s me."
- Andre Cue, umamin sa kinasasangkutang video scandal
JUAN PAULO CALMA
Sa pelikulang Ang Bangkay na isa sa anim na full-length films ng 8th Sinag Maynila (Sine Lokal, Pang-International) noong Marso 23 hanggang Abril 1, dalawang aktor ang nag-frontal nudity.
Ang mga ito ay sina Juan Paulo Calma, at Vince Tañada na siya ring writer, director, at producer ng pelikula.
Si Juan Paulo ay nag-frontal din sa dulang Walong Libong Piso (2025), at sa pelikulang La Traidora (2022), maging unreleased movie na Buskay.

Pagtatapat ni Juan Paulo sa gala premiere ng Ang Bangkay noong Marso 25 sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City, sobrang kabado siya sa shooting noon sa isang ilog sa Gapan, Nueva Ecija.
Aniya: “Ito po ang first film ko na ginawa, kaya po nandito ako ngayon sa industriya ng pelikula. Daring yung ipinagawa sa aking eksena, pero wala naman siyang masyadong lines.
“Sobrang nakakakaba as a first time na maghubad. Doon po sa shooting, parang halos nawalan ng pakiramdam yung paa ko nung nandoon na ako sa scene na yun.
“Pinaghandaan ko naman po yun, dahil alam ko pong para yun sa ikakaganda ng pelikula.”
Read: Hubadero 2025: From Tease to Total Reveal—Male Celebs Who Bared
MARCO MORA
Noong Marso 3 ay nag-streaming sa VMX ang special feature na Ligo, hosted by Ayanna Misola.
Tampok dito ang video clips mula sa labing-isang pelikula ng VMX, kabilang ang Alapaap (2022) kung saan nag-frontal nudity si Luke Selby at ang isang lalaking ekstra.
Marso 31, Martes Santo, naman nag-streaming sa VMX ang pelikulang Scorpio Nights 4, kung saan nagbuyangyang si Marco Mora ng dildo sa dalawang eksena.
Aminado si Marco na itong Scorpio Nights 4 ang boldest movie niya sa VMX so far.
“Nagagalak po akong naging katrabaho sina Apphle Celso, Sahara Bernales, at ang isang beteranong si Albie Casiño po!” sabi ni Marco noong Abril 1, Miyerkules Santo via Messenger.
“Nakakatuwa po, kasi bukod po sa pagiging mabait nila at masayahin, mga professional din po silang artists at talagang gagabayan ka po sa mga eksena at hindi papabayaan.
“Ganun din po kay Direk Bobby na ginabayan ako at hindi po iniwan simula day 1 po.”

Read: Nico Locco receives pajamas, letter with kiss mark from mystery sender
GORGY RULA
Apat na lalaki ang pwetmalu sa pelikulang Desperada na kalahok sa 8th Sinag Maynila filmfest noong Marso 23-Abril 1, 2026.
Ang mga ito ay sina Yasser Marta, Mhack Morales, Jorge Guda, at Joko Rivera.
Worth it ang paghuhubad ni Yasser dahil tinanghal siyang best supporting actor ng 8th Sinag Maynila.
At nitong Holy Week, gumanap ang Muslim na si Yasser bilang Kristo sa Siete Palabras 2026 ng Brgy. Lourdes North West (LNW) sa Angeles City, Pampanga.

Sa Ang Bangkay na kalahok din sa Sinag Maynila 2026 ay may pawetpaks si Rain Perez na gumanap bilang young Segismundo Corintho.
Si Johnrey Rivas ay hanggang topless lang. Hindi naibalik ang frontal nudity niya sa masturbation scene.
Read: Eksena ni Johnrey Rivas sa Ang Bangkay, pinutol saka binalik
VMX SEXY ACTORS
Pasabog din siyempre si Albie Casiño sa VMX movie na Scorpio Nights. Dinobolan ba siya roon ni Renz Tantoco?
View this post on Instagram
May mga bagong hubadero sa VMX na nagpakitang-gilas sa pagtatalop at pakikipagpuksaan.
Ang mga iyan ay sina Kurt Veneracion sa Sagaran; Primo Angeles sa Sundutan; Jio Yoshida sa Abot Langit; Chino Villaluna at Denzel Cruza sa Tuklas; James Vasquez sa Maid’s Obsession; at Naijel Gacad, Stancell Frank, at Dean Dexter Moros sa Breast Friends Forever.
Sandamukal pa ang mga hombreng nagpainit sa VMX, walang keber sa butt exposure and what have you.
Noong ENERO, sina Aerol Carmelo at VJ Vera sa Salikmata; Karlo de Leon, Allen Legazpi, at Horace Mendoza sa Breast Friends Forever; Gold Aceron at Leandro Baldemor sa Ang Lihim ni Maria Makinang; Mark Dionisio at Mhack Morales sa Sulutan; Juan Paulo Calma at Chester Grecia sa Angkinin Mo Ako; Basti Flores sa Bagong Tukso; Van Allen Ong at Rash Flores sa Sirena.

Noong PEBRERO, sina Mon Mendoza at Marco Gomez sa Sagaran; Jhon Mark Marcia sa Pansamantala; Victor Relosa at Van Allen Ong sa Sex Trip; Itan Rosales sa Warat.

At noong MARSO, si Mark Dionisio sa Sundutan; JC Tan sa Abot Langit; Ardy Raymundo sa Maid’s Obsession.

Read: Kathryn Bernardo at Mark Alcala, nag-"soft launch" sa Thailand?
BL ACTORS
Sa CinePOP, umaatikabo ang mga pauga at payanig nina Awin Valencia at Zuher Bautista sa five-episode BL series na That Summer: Reunion.

Sa Star SineMax naman ang mga pasabog at pasiklab nina Tommy Alejandrino, Timothy Tupil, at Zuher Bautista sa erotic BL movie na The White Prince.

SEINEMAX HUBADEROS
Matapos ang pelikulang Sariwa na nag-streaming noong Disyembre 5, 2025 sa Star SineMax, bida muli si Mark Herras sa pelikulang Lihim ni Fiona na nag-streaming sa kaparehong platform noong Marso 13.
View this post on Instagram
Ang iba pang notable hubaderos ng Star SineMax sa first quarter ng 2026 ay sina DJ Durano sa Humaling; Abed Green sa Piring at Tubero; Rob Sy sa Tubero; Kurt Kendrick sa Shared Moments, at Leandro Baldemor sa Stepmother.
View this post on Instagram
Andiyan din sina Mark Lester Tandoc sa Hinala; Karlo Manalaysay sa Babyboy; Carlo Mendoza sa Paldo; Jerico Pintoy sa Housemates; JR Frias at Elmo Elarmo Jr. sa Exchanged Gift at Stormed Hearts.
View this post on Instagram
THE ALTER WORLD
Sa Life Time Dream Productions na pang-alter ay umariba naman sina Vin Drigo, JC Tan, Dick Jordan, Kurt Kendrick, Zuher Bautista, at Lloyd Agustin na adult content creator.
Andiyan din sina Kevin Sagra, Vincent Magbanua, Jonathan Ivan Rivera, Leo Albuera, Adonis Alfonso, Ali Asaytona, at Carl Ong.
Nasa Life Time Dream na rin ang adult content creator na si Cerjoy San Marcos. Magbabakbakan FR kaya sila ni Lloyd Agustin?

Sa Facebook post ni Mon Mendoza noong Enero 27, may pawetpu na naman siya.
Aniya, “Grabeng ventosa to pati tiwup lumobo.”
Noteworthy ang harutan nina JKris Dantes at Jessie Guinto sa BL series ng VinCentiments na Riffs and Runs, sa panulat at direksyon ni Darryl Yap.
Read: Amy Austria, payag lumagpas sa working hours ang taping

NOEL FERRER
Noong Oktubre 2025 ay nambulabog ang Piolo Pascual look-alike na si Oliver Moeller bilang modelo ng Bench Body.
At noong Enero 12, 2026, Lunes, ay si Papa P na mismo ang nagpasiklab bilang endorser ng nasabing brand. May pa-underwear si Piolo!
More and more!

THIRST TRAPS ON SOCIAL MEDIA
Sa unang quarter ng 2026, kabilang pa sa pa-thirsty sa mga litrato o video clips na topless o naka-underwear online sina Derrick Monasterio, Ruru Madrid, Wendell Ramos, Tony Labrusca, David Licauco, Kristoffer Martin, Enchong Dee, at Martin del Rosario.

Andiyan din sina Joseph Marco, Rash Flores, Jason Dy, Kirst Viray, Argel Saycon, Ahron Villena, Oliver Eugen Kretz, Kid Yambao, River Joseph, Luke Conde, Than Perez, Drei Arias, Brent Manalo, Kenneth Marcelino & Kenneth Cabungcal, at marami pang iba.
FESTIVAL BOYS
Alang-alang sa Kapuso teleseryeng Kamao, nagpatakam sina Anton Vinzon at Bruce Roeland.
Sa Lakbayaw sa fiesta ng Tondo, Manila, pumukaw sa pansin ng netizens sina Marco Navarra, John Matthew Acclaracion, Jonathan Clavio, Nomer Alejo, at Joco Castro.

Sa Panagbenga flowerfest ng Baguio City, andiyan naman ang mga Igorot na nakabahag.
Sa Bagets The Musical, nagpakilig sina Andres Muhlach, KD Estrada, Jeff Moses, at Migo Valid.
Read: Direk Zig Dulay asked if taping will stop for Bea Alonzo's wedding
