PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jay Sonza lawyer, kinuwestiyon kung bakit non-bailable ang kaso

Jay Sonza, inabutan ng long weekend sa NBI custody.
by Jojo Gabinete
Published 2 days ago
Jay Sonza lawyer, kuwinestiyon kung bakit non-bailable ang kaso ng kanyang kliyente
Former broadcaster na si Jay Sonza, namataang sakay ng wheelchair nang siya ay dumating sa NBI headquarters. Inaresto siya dahil sa mga kasong may kinalaman sa diumano'y pagpapakalat niya ng fake news laban kay President Ferdinand Marcos Jr.
PHOTO/S: Jay Sonza Facebook / CTTO

Humiling ng wheelchair na masasakyan ang dating broadcaster na si Jay Sonza, 70, nang dalhin ito sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Pasay City noong Huwebes, Abril 30, 2026.

Read: Former broadcaster Jay Sonza arrested over cyber libel case

Sinasabing hinihingal siya sa paglalakad at may hawak na bottled water habang nakaposas matapos dakpin sa kanyang tahanan sa Quezon City.

Inaresto si Sonza ng mga tauhan ng NBI sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Branch 18 ng Pasay City Regional Trial Court.

Kaugnay ito ng alegasyong pagkakalat niya ng mga walang katotohanang impormasyon sa kalagayan ng kalusugan ni Presidente Ferdinand Marcos Jr.

Ang kasong sinampa kay Sonza ay paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code o Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances at paglabag sa Section 6 ng Republic Act 10175 o The Cybercrime Prevention Act of 2012.

Si Presiding Judge Nieves Tan ang nakalagda sa arrest warrant para kay Sonza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakalagay sa warrant of arrest para kay Sonza na walang piyansa o non-bailable ang kanyang kaso.

Mariin itong kinontra ng legal counsel niya na si Atty. Mark Tolentino.

Sa panayam kay Tolentino, inilalaban nito na bailable ang dalawang kasong sinampa kay Sonza.

Pahayag ng abogado: "Hindi namin expected na aarestuhin siya kasi nag-usap pa kami kaninang umaga at yung kaso kasi na na-file sa court, dalawa yan.

"Yung tinatawag na cyber libel at yung unlawful publication. But yung naisyuhan ng warrant yung unlawful publication, pero minimal na kaso lang yan. I think nasa six months imprisonment lang yan.

“Ang problema, mali ang nakalagay sa warrant of arrest. Nakalagay dun na non-bailable. When you say non-bailable, only if the offense is punishable by reclusion perpetua or lifetime imprisonment.

"Ang kaso nito is six months lang yata ang kaso ng penalty. Very minimal ang offense."

Hindi raw maintindihan ni Atty. Tolentino kung bakit di maaaring magpiyansa si Sonza .

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"This is a bailable offense or bail not required, so ang ibig sabihin walang authority ang NBI na mag-aresto.

"Ang problema, I don’t know, but maybe nagkamali ang court ng issue ng warrant. Bakit nag-issue ng warrant na the bail is not required in this case?

"Maybe the cyberlibel, but [for] cyberlibel wala pang warrant na ini-isyu. Ang unlawful publication [pa lang ang may warrant]. Our team believes na may pagkakamali sa court."

Read: Saleema Refran leaves GMA News for Ombudsman post

JAY SONZA LAWYER TO REQUEST FOR BAIL

Ayon pa sa abogada, maghahain siya ng proper manifestation sa korte na palayain ng NBI si Sonza dahil "wala silang legal basis" para iditena ito.

Kinukuwestiyon din ni Atty. Tolentino kung bakit NBI ang nagsampa ng kaso laban kay Sonza dahil sa sinasabing pinakalat nitong fake news tungkol sa kalusugan ni Presidente Ferdinand Marcos Jr.

"Yun ang na-cite ko na argument sa preliminary investigation. Bakit ang NBI ang nag-file? Una, ang NBI, wala naman personal knowledge about that publication.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Second, the NBI is not the offended party. Maybe they have the authority to investigate but wala silang personal knowledge kung ano ang nangyari.

"Bakit sa Pasay finile? Maybe Pasay kasi ang office ng NBI, dito sa Pasay, but the allegedly offended party is the president of the Philippines.

“Saan ba yung opisina ng presidente? Sa Malacañang, Manila, hindi naman sa Pasay."

Read: Cristine Reyes reveals she rejected current BF in grade school

JAY SONZA LAWYER ASSURES AUTHORITIES HIS CLIENT WILL FACE THE CASES

Sabi pa niya, lumuwas si Sonza sa Metro Manila mula sa Davao para harapin ang mga kaso kaya wala umano itong intensyong magtago sa batas.

"Wala siyang kakayahan na tumakbo. Naka-wheelchair na ang mama na yan. Senior citizen na yan.

"Ewan ko kung ano ang gagawin ng NBI, mag-alaga ng matanda. Yun talaga ang gagawin ng NBI ngayon. Para silang ospital ngayon, mag-aalaga sila ng matanda."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makapag-bail man ito o hindi, tiyak na mananatili sa kustodiya ng NBI si Sonza ngayong weekend.

Sarado kasi ang korte ngayong Biyernes, Mayo 1, Araw ng mga Manggagawa, hanggang Linggo, Mayo 3.

Kaya sa Lunes pa makakapag-file ng request for bail ang kampo ni Sonza.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former broadcaster na si Jay Sonza, namataang sakay ng wheelchair nang siya ay dumating sa NBI headquarters. Inaresto siya dahil sa mga kasong may kinalaman sa diumano'y pagpapakalat niya ng fake news laban kay President Ferdinand Marcos Jr.
PHOTO/S: Jay Sonza Facebook / CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results