PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wilbert Ross concert gets Day 2 after sold-out Day 1

Day 2 tickets sold out in an hour!
by Jojo Gabinete
Published 5 hours ago
Wilbert Ross
WRten by Wilbert Ross is dubbed the “fastest-selling concert,” with Day 1 tickets selling out in 15 minutes. A Day 2 show was announced and also sold out in a hour.
PHOTO/S: VAAlive on Facebook/ Wilbert Ross on Facebook

Mula sa isa, dalawang magkasunod na araw nang itatanghal sa July 25 and 26, 2026, ang WRten By Wilbert Ross, ang first major at 10th anniversary concert ni Wilbert Ross.

Gaganapin ang mga ito sa New Frontier Theater, Araneta City, Cubao, na may mahigit 2,300 seating capacity.

Ang WRten By Wilbert Ross ay produced by Viva Live, na mabilis nagdesisyong gawing dalawang araw ang pagtatanghal ni Wilbert dahil sold out agad sa loob lamang ng 15 minutes ang tickets para sa unang gabi ng concert.

And guess what? Ang Day 2 tickets ay sold out din sa loob lamang ng isang oras.

Wilbert Ross
Wilbert Ross at the ticket booth of Araneta Coliseum
Photo/s: VAAlive on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masayang-masaya ang singer-actor sa mainit na pagtanggap ng publiko sa kanyang kauna-unahang solo concert.

Gumawa si Wilbert ng kasaysayan sa New Frontier Theater dahil ang concert niya ang sinasabing "fastest-selling concert."

“Wow, uhmmm, di ko po ine-expect ito. I think wala kahit sino nag-expect po nito. Thankful po ako sa lahat ng mga sumuporta sa akin at sa upcoming concert ko.

"Grateful po ako lalung- lalo na sa Viva na naniwala sa akin na makakaya ko dahil ako po mismo sa sarili ko, hindi ako naniniwala nung una na kaya ko.

"Hindi man big deal sa iba na nag-sold out ang concert ko sa New Frontier Theater, sobrang laking bagay po ito para sa akin.

"Malayo pa, pero malayo na,” ang sabi ni Wilbert sa Cabinet Files kahapon, May 2.

Ginulat niya ang mga bumibili ng tickets para sa concert niya sa July 26 dahil sa kanyang surprise personal appearance kahapon sa ticket booth ng Araneta Coliseum.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

wilbert ross at the ticket booth
Wilbert Ross at the ticket booth of Araneta Coliseum
Photo/s: VAAlive on Facebook

Hindi makapaniwala si Wilbert sa bilis ng mga pangyayari tungkol sa kanyang upcoming concert, pero mag-iisip daw siya at ang Viva Live ng paraan para may pagkakaiba ang dalawang shows.

“We’re still on the process pa lang po na buuin yung concert. Siyempre, may pressure po na dapat maganda talaga ang maipakita ko so yun po ang challenge, lalo na ang Day 2 ng concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We will try our best po na kahit papaano, may mga kaibahan po. But definitely, majority of the show and songs, same po siya since same concert po,” ang impormasyong ibinahagi ni Wilbert.

WILBERT ROSS ON THE CONCERT'S TITLE

Sino ang nakaisip sa kakaibang pamagat ng concert na WRten By Wilbert Ross, na akmang-akma sa 10th anniversary mo sa showbiz?

"Tatlo po kami na nag-isip ng title, ako, si Ken, marketing po namin sa Viva Records, at si Yael na road manager ko.

"Naisip ko ang title habang nagda-drive ako sa EDSA,” ang sagot ni Wilbert na nag-viral ang video ng paghagulgol nang iyak nang malaman niya noong Huwebes, Abril 30, 2026, na sold-out ang tickets para sa WRten.

WILBERT ROSS GETS IN TOUCH WITH YENG CONSTANTINO

Tulad ni Wilbert, kinunan ni Yeng Constantino ng video ang sarili habang umiiyak nang makarating sa kanyang kaalaman na sold-out din ang tickets para sa concert niya sa Araneta Coliseum sa Agosto 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinagkukumpara ang “crying videos“ nila ni Yeng kaya inalam ng Cabinet Files ang reaksiyon ni Wilbert.

Aniya, "Kakausap lang po namin ni Ate Yeng sa Billboard Women of Music.

"Tinanong ko siya kung naaalaala pa niya ako sa Pinoy Boyband.

"Sabi ko po sa kanya kung naaalala niya po ako sa Pinoy Boyband Superstar," ang sinalihan niyang reality singing competition sa ABS-CBN noong 2016.

Dagdag na kuwento niya: "Nag- thank you po ako kay Ate Yeng dahil hindi ko malilimutan na siya ang pumili sa akin para makapasok sa next round.

"Sinabi niya na happy siya para sa akin at sa music ko and as a fan of Ate Yeng, super happy din po ako for her.

"Dreaming ako na in the future, magawa ko rin na magkaroon ng concert sa Araneta Coliseum,” ang sabi ni Wilbert.

Read:

Miss Universe Philippines 2026 winning answer

Home Along Da Riles: Da Reunion set as Father’s Day tribute film

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
WRten by Wilbert Ross is dubbed the “fastest-selling concert,” with Day 1 tickets selling out in 15 minutes. A Day 2 show was announced and also sold out in a hour.
PHOTO/S: VAAlive on Facebook/ Wilbert Ross on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results