PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jerald Napoles reveals why he loves ironing his clothes

Jerald fondly recalls having only three polo shirts as uniform in high school.
by Jojo Gabinete
Published 6 hours ago
Jerald Napoles explains why he loves plantsang de uling gifted to him and Kim Molina
Jerald Napoles fondly looks back on how he used to iron his clothes to compensate for lack of wardrobe in high school. It became a habit that he still practices to this day. He adds: “Hanggang sa it became a reflection din habang nagpaplantsa, nangangarap ka, iniisip mo na yung buhay mo.
PHOTO/S: @mymetrophoto Instagram

Ang plantsa na de uling ang isa sa mga regalo na natanggap ni Jerald Napoles nang ikasal sila ni Kim Molina noong Mayo 1, 2026 dahil nalaman nang nagbigay na mahilig siyang magplantsa ng mga damit.

Ang plantsa de uling na mabigat dahil gawa sa bakal ang ginagamit ng mga Pilipino noong hindi pa uso ang kuryente sa Pilipinas.

Hindi lamang mahusay na mang-aawit at aktor si Jerald dahil magaling at mahilig ito na magplantsa ng damit na malaking bahagi ng kanyang buhay.

“Lahat may istorya sa akin,” ang sabi ni Jerald nang itanong sa kanya ng Cabinet Files ang husay at obsesyon niya sa pagpaplantsa na maituturing na pambihira na katangian ng isang lalake.

“Nung bata po ako, nung second year high school hanggang third year high school ako, ang polo ko, dalawang piraso lang.

“Kailangan umabot ng second year yung puting polo sa eskuwelahan. Yung second year polo, kailangan umabot ng end of the year ng third year high school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung fourth year high school ako, ni-request ko sa nanay ko na bilhan ako ng bagong polo dahil huling taon ko naman sa school so kailangan plantsado ‘yon para sa akin."

Read: Celebrity guests at Jerald Napoles and Kim Molina's wedding

JERALD NAPOLES ON SYMBOL OF IRONED CLOTHES

“Ang plantsadong damit sa akin ay simbolo ng maayos ka sa bahay, maayos ka sa sarili mo kasi wala naman akong mamahaling bagay na maipagmamalaki.

“Ang puti, pare-parehas puti pero para sa akin, kapag plantsado ang mga damit mo, maayos kang pakikitunguhan ng mga tao,” paliwanag ni Jerald tungkol sa kanyang nakasanayan na gawaing-bahay.

Naging habit na raw niya ang pagpaplantsa noon pa man.

“Dahil ganoon, mula noong bata ako, tuwing aalis ako, nagpaplantsa ako. Hanggang kapag nagpaplantsa ako, paplantsahin ko na rin yung mga isusuot sa susunod na araw.

“Hanggang sa it became a reflection din habang nagpaplantsa, nangangarap ka, iniisip mo na yung buhay mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang nagme-meditate ka habang nagpaplantsa. I think nare-relax ako kapag namamalantsa,” dagdag na pahayag ni Jerald.

Read: Kim Molina-Jerald Napoles: Living together in separate rooms

ON IRONING KIM MOLINA'S CLOTHES

Marami na raw siyang koleksyonng plantsa at steamer.

Nang maging artista si Jerald, hindi nahinto ang hilig at husay niya sa pagpaplantsa.

Hindi lamang ang kanyang mga damit ang pinaplantsa ni Jerald dahil siya na rin ang plantsador ng mga kasuotan ni Kim.

Ang pagiging eksperto ni Jerald sa pagpaplantsa ang dahilan kaya hindi nila kailangan ni Kim ng kasambahay na taga-plantsa ng kanilang mga damit na kayang-kaya niya na gawin.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerald Napoles fondly looks back on how he used to iron his clothes to compensate for lack of wardrobe in high school. It became a habit that he still practices to this day. He adds: “Hanggang sa it became a reflection din habang nagpaplantsa, nangangarap ka, iniisip mo na yung buhay mo.
PHOTO/S: @mymetrophoto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results