"Love is lovelier the second time" around para sa TV5 at ABS-CBN dahil, diumano, hindi lamang ang Sigabo ang mapapanood sa Kapatid Network.
Ang Sigabo ang upcoming action-drama series na pinangungunahan nina Coco Martin at Julia Montes. Matutunghayan ito sa telebisyon simula sa Hunyo 22, 2026.
Isang source ng Cabinet Files ang nagsabing isa lamang ang Sigabo sa mga programa ng ABS-CBN na mapapanood sa TV5 dahil magkakaroon umano muli ng partnership at pagsasanib-puwersa ang magkabilang-panig.
Dati-rati, ang mga programa lamang ng ABS-CBN ang natutunghayan sa TV5.,
Pero sa bagong negosasyon na nagaganap, mapapanood na rin sa Kapamilya Channel ang mga programa ng Kapatid Network na tiyak na ikatutuwa ng mga manggagawa sa TV industry dahil kabilang sila sa mga makikinabang.
Read: Is Coco Martin's Sigabo airing on TV5?
THE RESURGENCE of PARTNERSHIP DEAL
Nagwakas ang Content Supply Agreement sa pagitan ng ABS-CBN at TV5 noong Enero 2026 dahil sa isyu ng malaking pagkakautang ng Kapamilya network sa Kapatid network.
Pero nabayaran na ng Kapamilya network ang obligasyon nito.
Sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag noong Disyembre 4, 2025, kinumpirma ng ABS-CBN management na nakatanggap ito ng notice of termination mula sa TV5 para sa kanilang Content Supply Agreement.
Huling napanood sa TV5 ang FPJ's Batang Quiapo at ang ibang mga programa ng ABS-CBN noong Enero 2, 2026.
Inilipat ang Kapamilya shows sa ALLTV.
Panandalian lamang ang maituturing na “breakup” sa pagitan ng ABS-CBN at TV5.
Makalipas ang limang buwan, maugong ang balita tungkol sa kanilang panibagong partnership.
Inaasahang magkakaroon ng opisyal na pahayag ang ABS-CBN at TV5 kapag naayos at natapos na ang kanilang negosasyon.
Parehong pakikinabangan ng dalawang networks ang bagong negosasyong ito dahil nga sa balitang mapapanood na rin ang mga programa ng Kapatid Network sa Kapamilya Channel.
Read: Manny V. Pangilinan addresses end of TV5 partnership with ABS-CBN