Malaki ang posibilidad na bumisita sa Pilipinas ang Chinese superstar na si Zhang Linghe bago matapos ang 2026.
Ito ang ibinalita ni Jing Quan, ang Chinese ambassador to the Philippines.
Si Jing Quan ang panauhing pandangal sa Awards for Promoting Philippines-China Understanding na ginanap sa Manila Hotel, Manila, noong Hunyo 3, 2026.

Ayon kay Quan, nakikipag-usap na ang kanyang tanggapan sa kampo ni Zhang para sa pagbisita nito sa Pilipins.
“Currently, he’s a superstar in China. His schedule is very busy but anyway, we’re just talking with him.
"We try to seek, for any chance, maybe the end of this year, we can invite him to visit Manila and meet the fans,” anunsiyo ni Quan.
Ang anunsiyong ito ay sinalubong ng malakas na palakpakan ng mga Pilipinong dumalo sa naturang pagtitipon at tagahanga ng bidang aktor sa popular Netflix series na Pursuit of Jade.
Read: Chinese actor Zhang Linghe fan event canceled after crowd surge
ZHANG YINGFEI PHILIPPINE VISIT
Tiniyak din ni Quan ang pagdating sa Pilipinas ng Chinese actress na si Zhang Yingfei sa Hunyo 7.
Si Yingfei ang bida sa vertical drama na The Heiress Who Won With Brains at kilala sa Pilipinas sa pangalang Linda Walker.
“We all love her so recently we contacted her team. We will arrange some events to meet fans,” sabi ni Quan tungkol sa pagbisita ni Yingfei.
Kasado na ang meet-and-greet ni Yingfei sa kanyang Filipino fans sa Hunyo 10, 3 P.M., sa Atrium ng Annex Building ng SM North Edsa.
Read: Chinese star Zhang Yingfei, aka Linda Walker, to visit Manila
mandarin nest hotel dancers
Kung popular sa Pilipinas sina Zhang Linghe at Zhang Yingfei, ibinalita ni Quan na sikat naman sa China ang viral Mandarin Nest Hotel dancers sa isla ng Boracay.

“They dance every afternoon at 5 P.M. Many people are waiting there, watching their performance, shoot videos.
"They’re very popular now in China. Many people come to Boracay to watch their performance,” kuwento ni Quan.
Pumunta ang Chinese ambassador sa Boracay para mapanood nang personal ang sikat at viral dancers ng Mandarin Nest Hotel, na dinarayo ng mga turista at sikat sa China dahil sa social media.