Inanunsiyo ni Senator Robin Padilla sa idinaos na special screening ng Bad Boy 3 na ipamamana na niya ang titulong "Bad Boy."
Hindi pa man naipalalabas sa mga sinehan ang Bad Boy 3 ay meron nang pinaplanong kasunod, ang Bad Boy 4, na pagbibidahan ng pamangkin niyang si Daniel Padilla.
“Ipapamana ko na ang Bad Boy 4 sa mas batang artista. I-introduce na po namin, si Daniel,” sabi ni Robin.
Kinumpirma naman ito ng kanyang kapatid na si Rommel Padilla, ang ama ni Daniel.
“Siyempre nanggaling sa pinanggalingan din, kailangan sa kagalingan din ibibigay,” reaksiyon ni Rommel tungkol sa pagbibida ng kanyang anak sa Bad Boy 4.
Nang mabanggit ang pangalan ni Kaila Estrada bilang posibleng kapareha ni Daniel sa fourth installment ng Bad Boy, ito ag deklarasyon ni Rommel tungkol sa kasintahan ng kanyang anak: “Aba, siyempre dapat. Para naman makita silang magkasamang dalawa sa Bad Boy 4."
Sinuportahan ng pamilya ni Robin ang special screening ng Bad Boy 3 sa Cinema 17 ng Gateway Mall noong Huwebes, Hunyo 4, 2026.
Bukod kay Rommel, dumalo ang misis ni Robin na si Mariel Rodriguez; ang kanyang mga anak na sina Queenie at Zhen; at ang kanyang ina na si Eva Cariño Padilla.
Read: Legendary American singer Peabo Bryson dies at 75

ZHEN PADILLA BEHIND THE CAMERA
Si Zhen ang nakababatang kapatid nina Queenie at Kyline.
Imbes na sundan ang yapak ng kanyang mga ate sa pag-arte, pinili ni Zhen na mag-aral ng film course sa ibang bansa.
Ang Bad Boy 3 ang isa sa mga proyekto niya bilang director of photography.
Kuwento ni Robin sa partisipasyon ni Zhen sa Bad Boy 3: “Si Zhen po nagtapos yan ng film sa Australia tapos nag-aral din siya sa New York.
"Dati tinanong ko siya, gusto mo... dapat siya ang magdidirek nito.
“Ang sabi niya, gusto niyang mag-concentrate sa cinematography kaya napilitan akong i-direct ang Bad Boy 3.”
Likas na mahiyain si Zhen na napapayag lamang magpakuha ng litrato, kasama ang tatay niya at si Queenie, dahil hinabol at pinakiusapan siya ng Cabinet Files.
ROBIN ON HIS "HILAW NA SON-IN-LAW"
Kasama ni Queenie sa special screening ang kanyang eight-year-old daughter na puwedeng-puwede ring pumasok sa showbiz.
Minsan nang naugnay kay Queenie si Ejay Falcon noong aktibo pa siya sa showbiz at muli itong naungkat dahil sa pahayag ni Robin.
Kasama sa cast ng Bad Boy 3 si Ejay.
Sabi ng actor-politician: “Ito po yung aking hilaw na son-in-law kaya tuwing may project ako, isinasama ko.
"Kasi hindi man sila natuloy nung anak ko, tatay pa rin ako."
Npabalitang naging karelasyon ni Queenie si Ejay nang magkasama sila sa Momay, ang 2010 drama series ng ABS-CBN.
Hindi pa masabi ni Robin ang playdate ng Bad Boy 3.
Pero kung siya ang tatanungin, mas gusto raw niyang ipalabas sa Netflix ang kanyang hardcore action-packed movie
Read: Robin Padilla faces backlash over "force majeure" argument