Sinagot ni Ian de Leon ang mabibigat na pahayag laban sa kanya ng nakatatandnag kapatid na si Lotlot de Leon, ilang oras matapos magsalita ang aktres sa story conference ng pelikulang 40 Days ng LVD Productions nitong Biyernes ng gabi, Hunyo 19, 2026.
Tinawag ni Lotlot na "sinungaling" si Ian dahil sa mga pahayag nito sa panayam niya sa Fast Talk With Boy Abunda na umere kahapon din.
Para sa kaalaman ng lahat, pre-taped ang panayam ni Boy Abunda kay Ian. Nangyari ang taping noong Hunyo 9.
Inimbitahan ang aktor para sa Father’s Day na gugunitain at ipagdiriwang sa Linggo, Hunyo 21.
Umere ang guesting ni Ian sa Fast Talk With Boy Abunda isang oras bago nag-umpisa ang story conference ng 40 Days.
Nang magsalita si Lotlot tungkol sa karakter na gagampanan niya, nahalata agad ng entertainment press ang galit na kanyang nararamdaman.
Sinabi ni Lotlot ang pangalan ng karakter na bibigyang-buhay.
Makahulugang sabi pa niya, "Ang walang katapusang ampon. Ako ang ampon ng pamilya dito."
Komento ng presscon moderator na si Jun Lalin, “Naku, magba-viral tayo dahil sa pahayag ni Lotlot.
Sagot ng aktres, “Gusto ko nga mag-viral para sa pelikula.”
Ganito ang sumunod na usapan nila...
Jun: "Mai-insecure si Matet!"
Lotlot: "Ay hindi! Hindi mai-insecure yon. Iba ang mai-insecure. Gusto mo sabihin ko ang pangalan?"
Jun: "Ah, huwag na. Nakaka-tense…"
Lotlot: "Ma-tense na kayong lahat kasi malapit na! Sorry, ha, dahil umuusok ang tenga ko ngayong araw na ito, e. So, pasensiya na kayo. Ito naman ang hinihingi, di ba? So let’s give what’s being asked."
Nang magbuhos ng sama ng loob si Lotlot tungkol kay Ian at sa isyu ng mana mula sa kanilang pumanaw na ina na si Nora Aunor, tumagal ng labimpitong minuto ang kanyang pagsasalita.
Read: Lotlot de Leon breaks down on feud with brother Ian: "He can have it all!"
IAN DE LEON RESPONDS TO LOTLOT'S TIRADES
Base sa reaksiyon ni Ian, sa pamamagitan ng kanyang Facebook Stories, napanood nito ang video litanya ni Lotlot na kumalat sa iba't ibang social media platforms.
Inilahad ni Ian ang mga pangyayari kaugnay ng plano ng kanyang mga kapatid na magtayo ng foundation sa ngalan ng kanilang ina at kung bakit hindi ito natuloy.
Saad ni Ian: “After Mom died, nagmadali kayo magtayo ng foundation kase baka maunahan ng iba? You think SEC will approve random people to put up a foundation using mom's name?
"That time, I said I’m not ready to commit dahil gusto kong ayusin muna nila yung legal papers niyan.
“I know the plans and my suggestion to them is that fix the legalities first before launching it.
"Days and days after launching, I was monitoring their SEC registration but it’s still not yet up.
“The staff of a significant figure even informed us that they donated and may nilapitan pa silang isang malaking tao.
"Also the office informed us but they hesitated to donate, which made me post a statement to protect my family in case of any legal problems."
Dagdag ni Ian: “Gusto nyo akong i-entrap during 1 event to sign something without telling right away what our dinner is all about. That’s why pala you have your lawyers with you.
“Thankfully, this person [asked] us for dinner that I can’t decline.
“The projects/plans for the legacy are the first to come before fixing any legalities and was still a concept at that time. Now, there are issues but the planning are still ongoing.
“I cannot just stop what I’m doing just because of the issues and why am I going to include a person who refuses to cooperate?
“He never told us anything? So wala na yung Zoom meeting ng dalawang beses sila umattend? Wala na din yung during 40 days na nag-decline ka?
"At sinungaling din ba si Tita T. na tinawagan ka to join us pero sabi mo, no kasi kase work ka pa naman at inuna kase akong kinausap?
“Why? Is it because it was me? Why?"
Read: Ian de Leon no personal motive in managing Nora Aunor's legacy
Nag-react din si Ian sa pahayag na ito ni Lotlot: "I will not allow anyone to put Matet down, to put Kiko down, to put Ken down, and to say all these lies ‘coz it’s not true!"
Sabi ni Ian: “Who put down the siblings? Did you even watch the whole show before reacting?
“Kayo lang ba pwede magpa-interview? I don’t go out just like that. It’s for Father’s Day episode.
“Enough with the lies? You stop. You stop telling lies especially to my dad."
Sinagot din ni Ian ang sinabi ni Lotlot na itinuring siya nitong kapatid.
Aniya: "Tinuring mo akong kapatid?
"Tinuring din kitang parang totoong kapatid! And I still call you ate.
“Sa akin na lahat?
"After the state funeral, when 5 of us are talking, I was clear that I told you guys na tulong tulong tayong lima dito at maging transparent sa isa’t isa and everything will take time and everything will be equally divided pero ang pinalabas is madamot ako. Why?
Sabi pa ni Ian sa huli: “Sino ang may inaagaw? I didn’t say na may inaagaw kayo. Why say that? To put me down?”
Read: Lotlot de Leon's camp breaks silence on issue with brother Ian