PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arnold Vegafria, may patutsada kina CJ Opiaza at Emma Tiglao?

Arnold Vegafria: "All I ask is just a little respect and courtesy."
by Jojo Gabinete
Published 3 hours ago
Arnold Vegafria may patama kina CJ Opiaza at Emma Tiglao?
Si Arnold Vegafria (left, in blue suit) ang dating franchise owner ng Miss Grand International sa Pilipinas. Sa ilalim ng pamumuno niya nanalo ang beauty queens na sina Emma Tiglao at CJ Opiaza. Ngayon ay si Jojo Bragais (right, with specs) na ang pinagkalooban ni Itsaragrisil ng lisensya para sa MGI at MGI All Stars.

Malumanay ang boses pero may hagupit ang mga pahayag ni ALV Pageant Circle Chief Executive Officer Arnold Vegafria nang magsalita ito sa Coronation Gala na ginanap noong Sabado, Hunyo 20, 2026 sa Seda Hotel, Vertis North, Quezon City.

Pinaniniwalaan na sina Miss Grand International 2024 Christine Juliane Opiaza at Miss Grand International 2025 Emma Mary Tiglao ang tinutukoy ni Vegafria sa isang bahagi ng welcome speech niya sa naturang pagtitipon.

"Ambition is always a good thing but too much ambition can also be dangerous especially for people who forget to acknowledge their humble beginnings then let success get into their heads.

"In all my years mentoring my queens, I have asked for nothing in return. All I ask is just a little respect and courtesy.

"After all, we are more than just a pageant organization. We are a family, a sisterhood bound by loyalty and mutual support as sisterhood has no room for ego and selfishness,” ang malamang sabi ni Vegafria.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ian de Leon responds to sister Lotlot's tirades against him

CJ OPIAZA AND EMMA TIGLAO SUPPORT REINA FILIPINAS

Ikinagulat at ikina-intriga ito ng mga dumalo sa Coronation Gala ng ALV Pageant Circle. Malakas ang hinala na may kinalaman ang maanghang pero banayad na pananalita ni Vegafria sa isyu ng pagsuporta nina Opiaza at Tiglao sa Reina Filipinas, ang bagong tatag na national pageant organization na pinamumunuan ng shoe designer na si Jojo Bragais.

Si Bragais na ang may hawak ng mga franchise ng Miss Grand International at Miss Grand International All Stars dahil ipinagkaloob ito sa kanya ni Miss Grand International founder at president Nawat Itsaragrisil.

Si Vegafria ang dating may karapatan sa pagpapadala ng mga kandidata sa Miss Grand International.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, dalawang Pilipino ang nanalo ng korona ng Miss Grand International, sina Opiaza at Tiglao.

Sangkot sa "loyalty issue" sina Opiaza at Tiglao dahil sa akusasyong hindi sila nagpaalam kay Vegafria bilang respeto nang suportahan nila ang Reina Filipinas, na pormal na inilunsad noong Hunyo 10, 2026 sa Newport World Resorts, Pasay City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na ni-renew ni Itsaragrisil ang franchise contract ni Vegafria para sa Miss Grand International na ibinigay niya kay Bragais.

May balita na bago ipinagkaloob ni Itsaragrisil kay Bragais ang Miss Grand International franchise, sinisingil niya si Vegafria ng mas mataas na franchise fee.

Read: Lotlot de Leon breaks down on feud with brother Ian: "He can have it all!"

ARNOLD VEGAFRIA AS FORMER FRANCHISE OWNER OF MGI

Dating negatibo ang imahe ni Itsaragrisil sa mga Filipino pageant fans dahil sa paratang na hindi niya pinapaboran na manalo ng titulo ng Miss Grand International ang mga kandidata mula sa Pilipinas na madalas na first runner-up kahit karapat-dapat na magwagi.

Sa tulong ng ALV Pageant Circle, gumanda at naging positibo ang imahe sa Pilipinas ni Itsaragrisil na diumano, may personal na interes na magtatag ng business empire sa Pilipinas sa pamamagitan ng Reina Filipinas.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Arnold Vegafria (left, in blue suit) ang dating franchise owner ng Miss Grand International sa Pilipinas. Sa ilalim ng pamumuno niya nanalo ang beauty queens na sina Emma Tiglao at CJ Opiaza. Ngayon ay si Jojo Bragais (right, with specs) na ang pinagkalooban ni Itsaragrisil ng lisensya para sa MGI at MGI All Stars.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results