PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lotlot de Leon initiated convo about issue with Ian de Leon

Lotlot de Leon grateful for "beautiful memories" with mom Nora Aunor.
by Jojo Gabinete
Published 2 hours ago
Lotlot de Leon initiated convo about issue with Ian de Leon
Lotlot de Leon was asked about how she coped with the death of a loved one when she opened up about conflict with Ian de Leon.
PHOTO/S: @ms.lotlotdeleon Instagram / Fast Talk With Boy Abunda

Nangyari ang sinabi ni Lotlot de Leon sa story conference ng 40 Days na, “Gusto ko nga mag-viral para sa pelikulang ito,” dahil nag-viral at pinag-uusapan ang mga litanya niya laban sa kanyang kapatid na si Ian de Leon.

Ang 40 Days ang bagong pelikula ng LVD Productions na pinangungunahan nina Lotlot, Din Bonnevie, Snooky Serna, Lloyd Samartino, at Elizabeth Oropesa.

Idinaos ang story conference ng pelikula sa isang restaurant sa Quezon City noong Biyernes, Hunyo 19, 2026.

Sa umpisa pa lamang ng story conference, humingi agad si Lotlot ng paumanhin dahil umuusok umano ang kanyang tenga nang araw na ‘yon dahil sa mga pahayag ni Ian sa panayam ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda.

Dapat ituwid ang mga maling akala ng ibang netizens na nagpatawag si Lotlot ng press conference para magsalita laban kay Ian dahil naganap ang pagbubuhos niya ng sama ng loob sa story conference ng 40 Days.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang 40 Days “love letter” ni Louie Ignacio para sa ina nito, si Fe Lagdameo Ignacio, na pumanaw noong Marso 16, 2026 sa edad na 92.

Si Louie ang direktor ng 40 Days at konsepto niya ang kuwento ng pelikula na isinulat ni Jesse Villaribe.

Ang veteran actress na si Perla Bautista ang gaganap na matriarch sa proyekto ng LVD Productions.

May mga tao na sinisisi ang entertainment media na dumalo sa story conference ng 40 Days, dahil sila ang inaakusahang nagpalaki ng isyu tungkol sa hidwaan nina Lotlot at Ian.

Muli, dapat ituwid ang kasinungalingan dahil si Lotlot ang nag-umpisa na magsalita tungkol sa mga sama ng loob niya kay Ian.

Read related articles:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

louie ignacio ON MOURNING death of mom

Malinaw ang tanong kina Lotlot, Dina Bonnevie, at Louie na “Paano ninyo pinagdaanan at nalampasan ang 40 days ng pagpanaw ng mahal sa buhay?” dahil pare-pareho sila na namatayan ng mga tao na malapit sa kanilang mga puso.

Nabiyuda si Dina sa kanyang asawa na si DV Savellano noong Enero 7, 2025; namatay ang adoptive mother ni Lotlot na si Nora Aunor noong Abril 16, 2025; at pumanaw ang ina ni Louie noong Marso 16, 2026.

“Namatay kasi si Mom ko, March. Nagsu-shooting kami sa Taiwan,” ang umpisa ng paglalahad ni Louie.

“Almost gabi-gabi, medyo maga pa rin ang mata ko tapos kasama ko siya dito, yung kanyang greenbone, nandito.

"Gabi-gabi ko siyang tinitingnan sa cellphone. Iba ang nanay, e, hindi mo malilimutan agad. Mahirap, matagal. Matagal na gamutan ‘yan.

“Kapag ikaw kasi ang personal na nag-alaga sa magulang mo, iba yung magkakapatid. Pero kung kayong dalawa lang ang magkasama araw-araw, oras-oras, iba. Iba yun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Walang kamatayan ‘yon kaya gabi-gabing umiiyak. Nandoon ako sa kuwarto niya gabi-gabi. Minsan natutulog ako doon.

"Napapanaginipan ko siya. Last week, may fever ako. Mataas ang fever ko, nasa panaginip ko siya kasi siya ang nagpapainom ng gamot,” ang kabuuan ng sagot ni Louie.

LOTLOT DE LEON ON MOM NORA AUNOR

Nang si Lotlot na ang nagsalita, sinabi niya na hindi pa rin niya lubos maisip na wala na ang ina na si Nora.

“When I think about Mom, I forget she’s gone. You know sometimes, iniisip ko pa rin siya.

“And then you snap back and then you remember, she’s no longer there. As I said na it comes in waves.

"But if there’s one thing I guess would like, I’m sure with Direk Louie and with Miss D., you carry with you the beautiful memories. Those are the things that you’ll always be thankful and grateful for, that you were part of their journey in life and that they are part of yours.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And you carry that with you through time until we’re healed. And then hopefully, whatever beautiful memories that you’ve shared with them, you can pass it on and just tell everyone about the beautiful things they’ve done in your life while they were here."

LOTLOT DE LEON OPENS UP ABOUT SIBLING CONFLICT

Sabay kusang-loob na nagbukas ng saloobin si Lotlot sa hinanakit niya sa kapatid na si Ian.

"Pagdating naman sa aming magkakapatid, I would like to apologize to my co-actors,to Miss D., to Ate Cooks, to Kuya Lloyd, and to Direk, and to Mama Beth [Elizabeth Oropesa].

"Today is not a good day for me…”

Matapos humingi ng paumanhin, naglitanya na si Lotlot tungkol kay Ian at ito nga ang pinag-usapan ng publiko, hindi ang idinaos na story conference para sa 40 Days kaya nangyari ang kanyang sinabi na, "Gusto ko nga mag-viral para sa pelikulang ito.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lotlot de Leon was asked about how she coped with the death of a loved one when she opened up about conflict with Ian de Leon.
PHOTO/S: @ms.lotlotdeleon Instagram / Fast Talk With Boy Abunda
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results