PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VMX star Sahara Bernales joins Reina Filipinas screening

Sahara Bernales overcomes fear of English to chase beauty-queen crown.
by Jojo Gabinete
Published 2 hours ago
sahara bernales reina filipinas
Sahara Bernales confidently introduces herself as a "VMX sexy star" during the Reina Filipinas screening: “Yes, actor po, pero hindi lang basta actor. Sexy actor, VMX actor. Sexy star."
PHOTO/S: Reina Filipinas Facebook

Gumawa ng ingay ang VMX star na si Sahara Bernales, 25, nang lumahok siya sa screening para sa mga kandidata ng inaugural Reina Filipinas na idinaos kahapon, Hunyo 25, 2026.

Pangarap ni Sahara maging beauty queen at marami ang nagsasabing beauty-queen material siya.

Nang humarap at magpakilala siya sa mga miyembro ng screening committee, ginamit niya ang tunay na pangalang Sahara Manatiga mula sa Mabalacat City, Pampanga.

Tinanong ng Screening Committee member na si Miss Grand International 2024 Christine Juliane "CJ" Opiaza si Sahara: “I saw from your application form that you are an actor. You wanna share more about this? Any films, series?”

Nagpakatotoo si Sahara sa kanyang sagot.

Aniya, “Yes, actor po, pero hindi lang basta actor. Sexy actor, VMX actor. Sexy star. Yes…”

Read: Emma Tiglao on why whe was wearing Gazini Ganados' gown

SAHARA ON JOINING REINA FILIPINAS

Sa panayam kay Sahara ng Cabinet Files ngayong Biyernes, Hunyo 26, 2026, ipinagtapat niyang nagulat din siya sa kanyang sagot kay CJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya: “Nagulat nga rin po ako dahil ganoon pala ang lumabas sa bibig ko.

“Kung ano po kasi talaga ang maisip ko agad na, I think okay naman na on the spot din ang tanong at sagot.

"Kung ano po yung nararamdaman ko, yun din ang lumabas mula sa bibig ko at nanggagaling talaga sa puso ko. Sa tingin ko, dun nag-reflect kung sino ako.”

Ano ang reaksiyon ng screening committee nang malaman nilang VMX star siya?

“Nagulat po sila. At the same time, nakita ko sa face nila na na-amaze sila without judgment.

"And I appreciate po kung paano nila ako tinanggap sa platform nila and kung paano din po sila nag-advice sa akin.”

Ang Reina Filipinas na ngayon ang may hawak sa franchise ng Thailand-based international beauty pageants na Miss Grand International at Miss Grand International All Stars.

Hindi ipinagkaila ni Sahara na nakaramdam siya ng intimidation sa pagsali niya sa Reina Filipinas dahil hindi raw siya sanay magsalita sa wikang Ingles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya: “Actually, nakaka-intimidate ang mga screening kasi ang talagang mga sumasali sa mga pageant, talagang sanay sa English language.

“E, ako, hanggang Tagalog or Taglish lang. Weakness ko talaga ang English, pero nakakaintindi naman ako!” natatawang sabi ni Sahara.

“Pero yun nga, sabi ko sa sarili ko, huwag kong pilitin na mag-English. Dun ako sa mas komportable ako at mae-express ko ang sarili. I will just be myself.

"And nandito ako not just to compete. Mas priority ko ang makilala at maka-inspire ng maraming tao.

“As much as possible, talagang mas positive thoughts lang at iwas tayo sa negative thoughts, katulad ng takot na inaalis ko talaga para mas ma-enjoy ko yung moment.”

Read: Does Jose Mari Chan still receive royalty from his hit songs?

sahara bernales reina filipinas
Sarah Bernales during the screening of the inaugural edition of Reina Filipinas.
Photo/s: Reina Filipinas Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOW SAHARA PREPARED FOR REINA FILIPINAS

Pinaghandaan daw ni Sahara ang candidates screening ng Reina Filipinas sa pamamagitan ng pagbabawas ng timbang at paulit-ulit na panonood ng mga nakaraang Miss Grand Philippines pageant.

Lahad niya: “Medyo fluffy yung katawan ko nung mga nakaraang linggo kaya nag-start ako ng Once A Meal Diet [OMAD] without rice. Nag-exercise din ako.

“Nanonood ako ng past MGI Philippines para at least, mas magkaroon ako ng idea, although dati pa naman akong nanonood ng MGI. Gusto ko lang ulit-ulitin.

“Then, ang emotional preparation ko is nagpe-pray ako palagi. Hinihingi ko ito kay Lord. Sana ibigay Niya sa akin at i-guide Niya ako.

“At yung mga taong sumusuporta sa akin, mas pinapalakas nila ang loob ko.

“Kinakausap ko rin ang sarili ko na ‘Galingan mo. Just be yourself at gamitin mong inspirasyon ang mga taong hindi naniniwala sa yo. Para in the future, ikaw naman ang maging inspiration nila.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi inilihim ni Sahara sa publiko na parehong mga miyembro ng LGBTQIA+ ang kanyang ama na dating transgender woman at ina na tomboy.

Wala raw kamalay-malay ang kanyang mga magulang na sumali siya sa screening ng mga kandidata para sa Reina Filipinas, pero natuwa raw ang mga ito sa ginawa niya.

“Wala silang idea. Nakita na lang nila yung mga social media post at super proud sila.

“Yung papa ko, ito talaga ang pangarap niya for me mula pa noong bata ako.

"Siya mismo ang nagte-train sa akin sa pagrampa kaya alam kong super happy ang puso niya,” saad ni Sarah.

Read: Jericho Rosales' brother Jeremiah found after five days in hiding

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sahara Bernales confidently introduces herself as a "VMX sexy star" during the Reina Filipinas screening: “Yes, actor po, pero hindi lang basta actor. Sexy actor, VMX actor. Sexy star."
PHOTO/S: Reina Filipinas Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results