Darating sa Pilipinas ang Japanese-American actor na si Luke Ishikawa Plowden.
Si Luke ay sikat sa Thailand dahil sa mga pinagbidahan niyang drama series gaya ng Oh My Boss, My Dear Donovan, The Three Gentle Bros., The Jungle, at Faceless Love.
Inaasahan ang pagsalubong kay Luke ng kanyang Pinoy fans sa pagdating niya sa sa Pilipinas sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International, ganap na ala-sais ng umaga, sa Lunes, Hunyo 29, 2026.
Bibisita sa bansa si Luke dahil inimbitahan siya ng media entrepreneur at international pageant director na si Josh Yugen para magkaroon ng espesyal na partisipasyon sa paglulunsad ng Rokid AI Fashion Glass International sa Martes, Hunyo 30.
Ilang araw mananatili sa Pilipinas si Luke.
Bukod sa grand launch ng Rokid AI Fashion Glass International, magkakaroon siya ng meet-and-greet para sa mga Pilipinong tagahanga niya.
Dadalo si Luke sa isang pagtitipon ng Philippine Red Cross, na magaganap din bukas, bilang suporta niya sa charity programs ng nabanggit na organisasyon.
Limang araw na ang nakararaan nang ibalita ni Luke, sa pamamagitan ng kanyang Instagram post, ang pagdalaw niya sa Pilipinas.
“Excited to visit the Philippines this June! Looking forward to meeting you all! Kita tayo!” mensahe ni Luke para sa kanyang Filipino fans.
Read: Brozoned? Liza Soberano tweets back to Thailand-based actor Luke Plowden
View this post on Instagram
LIZA SOBERANO'S "TWIN BROTHER"
Higit nakilala sa Pilipinas si Luke nang bansagan siya noong "twin brother" ng aktres na si Liza Soberano dahil sa pagkakahawig nila.
Nakarating kay Luke ang impormasyong "male version" siya ni Liza dahil sa Pinoy fans niya na nagpadala sa kanya ng mga mensahe.
Si Luke ang unang nakipag-ugnayan kay Liza sa kanyang tweet noong Enero 26, 2021.
Mensahe niya, “Hi @lizasoberano, I’ve heard from many Filipino fans that I kinda look like a male version of you.I guess I can see that.”

Makalipas ang dalawang araw, sumagot si Liza, gamit din ang Twitter.
“Hello long lost brother!” mensahe ng aktres, patunay na tanggap niya ang mga obserbasyong magkamukha sila ni Luke at mapagkakamalang magkapatid.

Read: Brozoned? Liza Soberano tweets back to Thailand-based actor Luke Plowden