PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Empire State proposal ends in arrest for Russian daredevil couple

Russian daredevils Ivan Beerkus and Angela Nikolau are facing multiple charges.
by Jojo Gabinete
Published 4 hours ago
ivan beerkus angela nikolau empire state building
Love was in the air—but so were multiple criminal charges. Russian daredevils Ivan Beerkus and Angela Nikolau were arrested after scaling the Empire State Building for a risky proposal.
PHOTO/S: Instagram

Pagnanakaw, paglabag sa batas, reckless endangerment, criminal mischief, pag-iingat ng mga kagamitan sa pagnanakaw, criminal tampering, criminal trespass, at disorderly conduct.

Ito ang mga patung-patong na reklamo na isinampa ng New York Police Department (NYPD) laban sa Russian daredevil couple na sina Ivan Beerkus, 32 at Angela Nikolau, 33.

Noong Miyerkules, Hulyo 1, 2026 (Huwebes ng madaling-araw, Hulyo 2, sa Pilipinas), inakyat nina Beerkus at Nikolau ang tuktok ng Empire State Building, na may taas na 1,454 feet, para sa kanilang marriage proposal.

Kilala sina Beerkus at Nikolau sa pag-akyat sa matataas na gusali sa iba’t ibang panig ng mundo.

Tinalakay ang kanilang mga makapigil-hininga at buwis-buhay na ginagawa sa Skywalkers: A Love Story, ang Netflix documentary na napapanood simula pa noong Hulyo 2024.

Read: Alex Honnold inakyat ang Taipei 101; live na napanood sa Netflix

skywalkers a love story
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DEATH-DEFYING MARRIAGE PROPOSAL ATOP THE EMPIRE STATE BUILDING

Live na napanood sa U.S. television ang death-defying stunt nina Beerkus at Nikolau, na nakasuot ng maskara at itim na damit nang akyatin nila ang spire ng iconic Empire State Building.

May banner na dala ang dalawa na may nakasulat na "When the power of love beats the love of power the world knows peace,” na kanilang iniladlad bago lumuhod at inalok ni Beerkus ng kasal ang kanyang matagal nang kasintahan.

Tinapos muna nina Nikolau at Beerkus ang kanilang misyon na tumagal ng sampung minuto, sa pamamagitan ng paghalik sa isa’t isa, bago nila pinakinggan ang panawagan ng mga miyembro ng NYPD na bumaba na sila mula sa Empire State Building spire.

Nagresulta sa pagsasara ng mga kalsada sa paligid at pagpapahinto sa Empire State Building tour ang kapangahasan nina Beerkus at Nikolau.

Nasa kustodiya sila ngayon ng NYPD matapos arestuhin.

Inilabas na rin ng NYPD ang bodycam footage ng pagdakip nila kina Beerkus at Nikolau nang bumaba ang mga ito mula sa spire ng gusali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: WHAT PEP KNOWS: The UP CMC Foundation and The Missing Millions

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Love was in the air—but so were multiple criminal charges. Russian daredevils Ivan Beerkus and Angela Nikolau were arrested after scaling the Empire State Building for a risky proposal.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results