Tuluyan nang tinalikuran ng VMX star na si Azi Acosta, 22, ang paggawa ng sexy movies.
Ito ay dahil sa kagustuhan niyang makilala bilang wholesome actress.
Kasabay ng kanyang desisyong huwag nang magpaseksi sa pelikula ang pagpapalit ni Azi ng talent manager.
Umalis na siya sa poder ng kanyang discoverer at mentor na si Jojo Veloso.
Diumano, hindi pa tapos ang kontrata ni Azi kay Jojo.
Pero lumipat siya sa 12Stones Atelier, ang talent management agency ni Rhina Montemayor, bilang unang hakbang ng pagbibigay katuparan sa pangarap niyang baguhin ang kanyang showbiz image.

Ang Pamasahe, Sex Games, Erotica Manila, Sugar Baby, Call Me Alma, at Balik Taya ang ilan sa VMX movies na pinagbidahan ni Azi.
Sa pamamagitan ng mga pelikulang ito ay nakitaan ng potensiyal sa pag-arte ng mga magagaling na direktor na nakatrabaho niya.
Read: Nadine Lustre wins online harassment case, netizen punished by court
NO MORE DARING ROLES FOR AZI ACOSTA
Isang taon nang hindi gumagawa ng mga proyekto para sa VMX si Azi.
Para sa kanyang pagbabalik, pinanindigan niyang huwag nang tumanggap ng daring at sexy roles.
Ang café business nila ng kanyang kuya sa Tanay, Rizal, ang pinagtuunan ni Azi ng atensyon at panahon sa loob ng isang taon dahil sa kanyang pasyang iwanan na ang paghuhubad sa pelikula.
Ang The Master Cutter, ang primetime action-drama series ng GMA-7 ang bagong proyekto ni Azi.
Masaya si Azi dahil wholesome character ang ginagampanan niya.
Magiging love interest si Azi ng isa sa mga tauhan ng The Master Cutter, pero si Charlie Fleming ang madalas niyang kasama sa mga eksena.
Nagpapasalamat ang pamunuan ng 12Stones Atelier dahil tinanggap ng male fans ni Azi ang pasya nitong huwag nang tumanggap ng mga proyektong kinakailangang maghubad siya.
Mensahe nito: “A new beginning, a wholesome image, a promising acting career. A new version of Azi everyone will come to love.
“Comments are overwhelming. Thank you for supporting Azi on her transition to a more wholesome image and projects.
"We promise not to disappoint.”