Nakatakda ang pag-iisang dibdib ni Brian Daniel Poe Llamanzares, 34, at ng fiancée nitong si Margarita Navarro Gutierrez, 43, sa Setyembre 8, 2026.
Si Brian ay FPJ Panday Bayanihan Party-list representative.
Panganay siyang anak nina former Senator Grace Poe at Neil Llamanzares, at apo ng yumaong King and Queen of Philippine Movies na sina Fernando Poe Jr. at Susan Roces.
Si Margarita o Marge ay undersecretary ng Department of Justice (DOJ).
Bukod sa pagiging lawyer, isa rin siyang ramp model.
Nalaman ng publiko ang magaganap na pagpapakasal nina Brian at Margarita dahil sa screenshot ng Request for Permission and Banns na nakapaskil sa bulletin board sa labas ng Santuario de San Jose, Greenhills East, Mandaluyong City.
Ibig sabihin, malaya itong makita ng mga parokyano sa naturang Catholic church.

Ayon sa nakapaskil na dokumento, si Brian ay residente ng North East, Greenhills, San Juan City. Pero sakop ng Mandaluyong City ang Santuario de San Jose.
Samantala, Malate, Manila, naman ang ibinigay na tirahan ng kanyang mapapangasawa.
Si Reverend Fr. Allen Vic Cartagena ang nakapirma sa Request for Permission and Banns para kina Brian at Margarita.
Nakasaad dito ang petsa ng kanilang kasal: "08th day of SEPTEMBER 2026"
Read: Maris Racal spotted with mystery man; is he her new beau?
WEDDING BANNS
Ang Wedding Banns o Tawag sa Ikakasal ang pampublikong anunsiyo sa mga Catholic church tungkol sa nalalapit na kasal ng engaged couples.
Layunin ng wedding banns na ipaalam sa komunidad ang intensiyong magpakasal ng mga magkasintahan at para malaman din kung may mga tututol sa kanilang plano.
Tatlong magkakasunod na linggo inaanunsiyo sa mga simbahan ang wedding banns para matiyak na alam ng mga tao ang mangyayaring kasalan.
Ang wedding banns ang dahilan kaya nalaman ng publiko ang balak na pagpapakasal nina Carla Abellana at Tom Rodriguez noong Mayo 2021.
Humantong sa hiwalayan ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa pagkalipas lamang ng tatlong buwan.

Sa ganitong paraan din nalaman ag planong pag-iisang dibdib nina Bea Alonzo at Vincent Co na inanunsiyo sa simbahan noong Marso 2026.
Ngunit hindi natuloy ang kanilang pag-iisang dibdib.

Read: Bea Alonzo wedding banns with Vincent Co announced at a church