Nagpahayag ng pagkadismaya ang Viva actor na si Lance Carr dahil sa mga ikinakalat na fake news tungkol sa yumaong Ateno Blue Eagles player na si Rene Baterbonia.
Higit sa lahat, ikinalulungkot niyang pinagkakakitaan ng ibang mga tao si Rene, na nasawi sa edad na 18 matapos malunod sa karagatan ng Dipaculao, Aurora, noong Hunyo 8, 2026.
“Ang daming fake news, ang daming tao na pinagkakakitaan. It’s very outrageous.
"Very... I don’t know how to describe it. It’s very inhumane for me.
"I’m like, sana… just let the person rest na lang,” sentimyento ni Lance.
Nakausap ng Cabinet Files at ng ibang entertainment press si Lance bago nag-umpisa ang media conference para sa Viva All Star Games na naganap nitong Lunes ng hapon, Hunyo 20, sa Viva Café, Quezon City.
Sa kabilang banda, nauunawaan daw ni Lance ang pagbebenta ng pamilya ni Rene ng mga pabango, notebook, at jersey dahil alam ng marami ang kalagayan ng kabuhayan ng mga naulila ng basketball player.
Saad niya: “Siguro naman, yung family, maiintindihan yung family.
"We all know naman yung financial status ng family so I could really understand na they’re making a business, ganoon.
“Pero yung ibang mga tao kasi, parang feeling ko mema na lang yung mga ginagawang content about him."
Read: Rene Baterbonia's mom opens booth for Baterbonia Collections
LANCE CARR PERSONALLY KNOWS RENE BATERBONIA
Personal na kilala ni Lance si Rene dahil kapwa sila mga estudyante ng Ateneo de Davao sa Davao City.
Lahad ni Lance: “Actually, when I was in Ateneo Davao nung college, siya po yung captain ng high school.
"So, nakakasama rin namin po sila mag-ensayo dati and we played na rin sa mga exhibition games.
"I really got to know the kid. Magkakilala po talaga kami."
View this post on Instagram
Binalikan din ni Lance nang mabalitaan niya ang tungkol sa malagim na pagpanaw ni Rene.
Pagbabahagi niya: “It’s very nakakalungkot talaga yung nangyari sa kanya.
"Nasa Viva [basketball] practice kami noon, tapos pagbungad sa cellphone, 'Hala, totoo ba ito?'
"And then, biglang nag-issue ng statement ang Ateneo de Manila.
"So, I am very shocked and sobrang naaawa talaga ako sa bata."
Read: James Graham on unexpected coming out: "I'm still in shock."
LANCE CARR: MR. MVP
Tulad ni Rene na hinirang na Most Valuable Player sa 2025 Palarong Pambansa, "Mr. MVP" ang tawag kay Lance dahil sa kanyang mahusay na paglalaro ng basketball.
Muli itong mapatutunayan sa Viva All Star Games na magaganap sa Agosto 16 sa Smart Araneta Coliseum sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.
“We’re gonna look forward to a very competitive game kasi first time na magkakaroon ng Viva All Star Games.
"So, we’re very excited na kami yung first batch, as in ang tagal na naming pinag-uusapan ito nina Gab [Lagman], nina Boss.
"So, sobrang happy namin na natuloy na talaga,” sabi ni Lance.
Read: BLACKPINK's Lisa joins Nadech Kugimiya, Yaya Sperbund's "Wedding of the Year"