PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet the Pinoys behind viral pickpocket brawl in Rome

Did you know they have showbiz connections?
by Jojo Gabinete
Published 17 hours ago
Mervin Dayagro and Jordan Tamayo
(L-R) Did you know Mervin Dayagra and Jordan Tamayo have showbiz connections?
PHOTO/S: courtesy of Jordan Tamayo

Nabigyan ng pagkakataon ang Cabinet Files na makapanayam sina Mervin Dayagro, 45, at Jordan Tamayo, 43, noong Huwebes, Hulyo 30, 2026, dahil sa tulong ni Jon Cruz—dating cameraman ng GMA-7 na matagal nang naninirahan sa Rome, Italy.

Ang PEP ang unang nag-interbyu kina Mervin at Jordan, na nag-viral nung nakikipagsuntukan sa mga mandurukot o pickpockets sa loob ng Metro Subway train.

Nasundan ito ng mga panayam sa kanila ng iba’t-ibang mga media outlets tulad ng TV5, GMA-7, at, sa darating na Lunes, ABS-CBN.

Ang pang-iinsulto ng mga notorious Peruvian pickpockets sa pagiging Pilipino ng dalawa ang nag-udyok para suntukin nila nang paulit-ulit ang mga dayuhang bumastos sa kanila.

Nagmistulang boxing match ang nangyari, at lamang na lamang ang mga PIlipino.

Ika nga ng ilang netiznes, tila nakalimutan ng mga foreigners na ang dalawa ay mula sa "Land of Pacquiao," referring to Pambansang Kamao Manny Pacquiao.

Although wala raw formal training sa boxing sina Mervin at Jordan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Jordan Tamayo and Mervin Dayagro
Jordan Tamayo and Mervin Dayagro
Photo/s: courtesy of Jordan Tamayo

Read: Debbie Gibson impressed by Filipinos singing her song at Karaoke

SHOWBIZ STINT

Nang itinanong ng Cabinet Files kay Mervin kung nagkaroon ba siya noon ng ambisyon na maging pulis, "hindi" ang naging sagot niya.

"Ang pangarap ko noon, maging artista nung bata pa ako,” ang lahad ni Mervin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lagi po akong pumipila noon sa auditions ng Pinoy Big Brother. Paulit-ulit, kung saan-saan, pero hindi talaga ako nakukuha.

Panahon pa po yun ni Jason Gainza, from the first batch ng PBB: “Palagi akong pumipila pero nadadaanan lang ako, baba agad sa stage.

"Naging extra po ako sa Mulawin, Encantadia, Pedro Penduko. “

"Wala po akong background sa martial arts, pero meron akong pepper gun, dalawa. Meron akong pepper spray at may pintura ako, kumpleto ako. “

Ginagamit ko na pang-criminal identifier. Ang mga pickpocket ang literal na umiiwas sa akin, hindi ako ang umiiwas sa kanila,” ani Mervin.

May kaunting kaalaman naman si Jordan sa boxing at, gaya ni Mervin, nasubukan niyang maging ekstra noon sa Esperanza, ang television drama series ni Judy Ann Santos na napanood sa ABS-CBN mula Pebrero 1997 hanggang Hulyo 1999.

"Nung maliit pa ako, pinaturuan ako ng boxing nung 1990s, pero pagdating sa away, hindi lang basta suntok.Siyempre, ginagamitan ko rin ng utak pero dito sa Roma, pepper spray lang ang meron ako,” ang kuwento ni Jordan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Alam niyo po ba iyung Esperanza ni Judy Ann Santos? Yung school na ginamit sa eksena, dun po ako nag-graduate.

"Hindi po ako pumapasok kapag may taping sa school. Kinukuha nila akong extra pero dancer po talaga ako noon pa.

"Ang idol ko naman niya ay nasa Encantadia, si Diana Zubiri.

"Siya ang nagpatangkad sa akin. Pinanood ko ang movie niya, yung Liberated.

Read: South Korean tycoon ordered to pay ex-wife nearly PHP40 billion

MISSING EYEGLASSES

Sa viral video, maririnig ang paulit-ulit na pagsigaw ni Mervin ng, "Where’s my glasses?”

Ikinuwento ni Mervin na kabibili lamang niya ng kanyang salamin na may presyong 500 Euros (PHP35,000 sa currenct exchange rate).

Mahalaga kay Mervin ang salamin dahil meron itong built-in camera na ginagamit niya sa pagtukoy at paghabol sa mga pickpocket sa Roma.

"Kabibili ko lang po kasi ng salamin ko, 500 Euros. May camera po iyon kaya nag-alala ako,” ang sabi ni Mervin na nakahinga nang maluwag dahil si Jordan ang nakapulot sa kanyang salamin na nalaglag nang makipagsagupaan siya sa Peruvian pickpocket.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nung nagpunta na ako sa Italya, nahilig ako sa pagkanta, sumasali na ako sa mga singing contests,” ang pahayag ni Jordan,

Nangungulila na siya nang husto sa pamilya niya, lalo na sa kanyang anak na babae na labing-isang taon ang edad at may Down Syndrome.

Marso 2024 nang pumunta si Jordan sa Romania para makipagsapalaran at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya, pero nabigo siya. “

Nag-apply po ako sa isang agency kaya nakapunta po ako sa Romania, pero nag-resign po ako sa trabaho dahil hindi natupad ang sahod na ibibigay sa akin.

"Tapos nagpunta kami sa Czech Republic, pero na-scam naman kami. Lumipat kami sa Latvia pero hindi ni-renew ang aming visa kaya nagpunta kami sa Italy.

"Sa totoo lang po, gusto ko na talagang umuwi sa Pilipinas kapag nakaipon na ako dito sa Roma ng pera na pang-negosyo.

"Pero sa ngayon, laban muna para sa pamilya at special child ko po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Did you know Mervin Dayagra and Jordan Tamayo have showbiz connections?
PHOTO/S: courtesy of Jordan Tamayo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results