Kasama sa mga napag-usapan sa guesting ni Maegan Aguilar sa Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes, Hulyo 24, 2026, ay tungkol sa mana.
Si Maegan ay anak ng pumanaw na OPM icon na si Freddie Aguilar.
Malaking bagay para sa kanya na inantay siyang makalabas sa rehabilitation center. Okay din siya sa kinalabasan.
"Hmmm, nung una kasi, siyempre, nasa loob ako pero to fast forward lang, they also waited for me to be out.
"And then now, kaming magkakapatid, we receive an allowance kasi nga none of us, totoo naman, none of us know how to handle money.
"So I finally admit to that, and I agree that my mom and our executor will be the ones to handle it. I’m okay with that.
"And right now, we’re looking for a buyer for Tatay’s house and lupa in Pampanga, so if anyone is interested, and then we’re gonna divide it equally sa amin,” ang kuwento ni Maegan na muling nakausap ng Cabinet Files noong Linggo, Hulyo 27.
Ipinahayag niya ang matinding kagustuhan na makabalik sa entertainment industry bilang aktres at mang-aawit.
WHERE IS MARLENE AGUILAR NOW?
Naitanong din sa kanya ng Cabinet Files ang kalagayan at kinaroroonan ni Marlene Aguilar-Pollard.
Si Marlene ay nakababatang kapatid ni Freddie. Naging kontrobersiyal siya noong 2009 dahil sa road rage shooting na kinasangkutan ng kanyang anak na si Jason Ivler.
Si Jason ang bumaril kay Renato Victor Ebarle Jr., ang anak ng dating Presidential Chief of Staff Undersecretary Renato Ebarle, sa krimen na nangyari noong Nobyembre 18, 2009, sa Boni Serrano Avenue, Quezon City. Hinatulan siya ng habambuhay na pagkakakulong.
Malaking balita noon sa Pilipinas ang naganap na krimen at ang pagtatanggol ni Marlene sa kanyang anak.
Sinampahan din si Marlene ng kasong obstruction of justice dahil sa paratang na pagtatago niya kay Jason para hindi ito madakip.
Read: Jason Ivler found guilty of murder; sentenced to reclusion perpetua
Nang mamatay si Freddie noong Mayo 27, 2025, marami ang naghanap kay Marlene at umasang magsasalita siya tungkol sa kapatid, pero walang narinig mula sa kanya.
Matagal nang walang balita kay Marlene.
Ayon kay Maegan, naririto lamang sa Pilipinas ang kanyang Tita Marlene, kasama ang British husband nitong si Stephen Pollard.
Healthwise hindi na raw ito kasing-liksi gaya ng dati.
Sa mga nakapanood noon ng mga interviews ni Marlene sa TV, napaka-lively ng personality nito.
Nananatili namang nakabilanggo si Jason na 44 years old na ngayon. Siya ang bunso sa tatlong anak ni Marlene.
May tatlong kapatid na babae si Freddie at sila ang nagpalaki kay Maegan kaya malapit ito sa kanyang mga tiya.
"Super close ako sa kanila. Tatlong babae ang kapatid ni Tatay, tatlong Maria nga, e.
"Sila ang nagpalaki sa akin when I was small kasi si Tatay, nagwo-world tour siya noon.
"And my mom also traveled with Tatay. They traveled together to his concert tours abroad.
"Naiwan ako sa tatlong tita ko,” ang lahad ni Maegan.
Spoiled daw siya sa kanyang mga tiya.
Read: Maegan reveals Ka Freddie's final advice that changed her life