Ang Haunted Carnival ang unang proyekto ni Julia Barretto sa Regal Entertainment Inc. kaya marami ang nagtaka at nagtatanong dahil sa pagkakaalam ng lahat ay contract star siya ng Viva Films.
Ang pagiging freelance actress niya ngayon ang kinumusta ng Cabinet Files kay Julia, na tila nasorpresa sa tanong, pero malinaw at maayos naman ang kanyang paliwanag.
"You know what, I think it’s a good time in my life to be able to explore and work with everyone kasi lahat, may magandang istorya.
"And gusto ko lang ma-grab yung opportunity na iyon kapag naisip nila ako para sa proyekto.
"But, you know, at the same time, I don’t want to burn bridges.You know why? Sa lahat ng napuntahan ko na network, na management, na production house, naalagaan ko, pinrotektahan ako, naging mabuti sa akin and sobra akong grateful.
"And since we’re talking about it, nandun pa rin yung desire ko na makipagtrabaho sa lahat—from Viva to Star Cinema to Regal.
"With all the production houses, gusto ko pa rin na patuloy yung trabaho. Basta naman may magandang istorya, di ba? Yun lang."
Pero ayaw niyang matawag na "freelance actress."
"Huwag na nating gamitin yung word na iyon.
"Gamitin natin na 'open to opportunities,' pero sobra akong grateful.
"Let’s keep our friendships and our relationships,” ang dire-diretsong pahayag ni Julia.
Read:
Fans read into Matteo’s birthday message; Is Sarah pregnant?
How Megan Young loses 20 pounds in three months
JULIA BARRETTO ON WORKING WITH MARICEL SORIANO
Sa film project niya sa Regal, nagpahayag siya ng kagalakan dahil makakasama niya sa kauna-unahang pagkakataon ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

"Exciting kasi parang magkakaroon ako ng nanay on the set.
"So it’s nice and comforting kapag meron kang parang ganoong klaseng energy sa set.
"Somebody who will take care of you, make you comfortable and, of course, above all else, working with the Miss Maricel Soriano.
"So I’m excited to learn,” ang sabi ni Julia, na hindi maitago ang excitement sa mga mapagkukuwentuhan nila ni Maricel kapag nagsimula na sa Agosto 2026 ang kanilang shooting para sa Haunted Carnival.
Naganap nitong Linggo ng hapon, Hulyo 26, sa Valencia Events Place ang full cast reveal ng Metro Manila Film Festival 2026 entry.
Habang nagaganap ang media conference, ang mahigpit na paghawak at hindi pagbitaw ni Maricel sa kamay ni Julia ang napansin ng Cabinet Files na tila paraan ng pagbibigay niya ng assurance sa nakababatang aktres na magiging maayos ang kanilang pagsasama sa nabanggit na proyekto.