PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zsara Laxamana: "I think we're better" than Viva Hotbabes

Zsara Laxamana clarifies that the statement wasn't meant as disrespect,
by Jojo Gabinete
Published A day ago
zsara laxamana vmx hotbabes
VMX Hotbabes member Zsara Laxama stirrs buzz after declaring, "I think we're better," when asked to compare their group with the iconic Viva Hotbabes. She explains: "Kailangan pa naming mas galingan po para hindi po sila ma-discourage sa amin. Kasi alam po namin talagang tinitingnan nila kami kung ano yung kaya naming i-deliver sa masa."
PHOTO/S: VMX Global Facebook

“Pagkakaiba? Sasabihin ko na para ma-pressure at ma-motivate kami. I think we’re better.”

Ito ang kontrobersiyal na sagot ni Zsara Laxamana nang tanungin kung ano ang ipinagkaiba ng VMX Hotbabes sa Viva Hotbabes — dalawang grupo na parehong kilala sa pagkanta at pagsasayaw.

Hindi nakaligtas sa entertainment press ang naging pahayag ng dating miyembro ng Mocha Girls, na ngayon ay isa nang VMX star.

Noong 2003, binuo ang Viva Hotbabes na kinabibilangan nina Maui Taylor, Katya Santos, Andrea del Rosario, Sheree, at Gwen Garci. Sila ang nagpasikat ng hit song na "Bulaklak."

viva hot babes
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makalipas ang mahigit dalawang dekada, ipinakilala naman ang bagong henerasyon ng Hotbabes: sina Ataska, Christy Imperial, Rhian Rivera, Skye Gonzaga, Micaella Raz, at Zsara—na ngayon ay bumubuo sa VMX Hotbabes.

Unti-unti na ring nakikilala ang grupo dahil sa kanilang debut single na "Jugjog."

Read: Yayo Aguila, Melvin Viceral break up after five years together

VMX Hotbabes releases debut single
VMX Hotbabes!: Standing, from left: Ataska, Christy Mae Imperial, Zsara Laxamana, Rhian Rivera, and Skye Gonzaga; Seated: Micaella Raz.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ZSARA LAXAMANA CLARIFIES: "WE'RE DOING OUR BEST TO BE BETTER."

Dahil sa kanyang pahayag na "We're better," tinanong ng Cabinet Files si Zsara kung hindi ba siya nangangambang ma-offend ang mga miyembro ng Viva Hotbabes.

Paglilinaw niya: “Hindi naman po siya in a negative way.

"Parang we’re doing our best to be better kasi alam naman po namin na talagang magagaling po yung mga ate po namin.

"So, kailangan pa naming mas galingan po para hindi po sila ma-discourage sa amin.

"Kasi alam po namin talagang tinitingnan nila kami kung ano yung kaya naming i-deliver sa masa.

“And ngayon po, talagang strict yung group, like, nagwo-workout po talaga kami. Dapat toned kaming lahat so disiplinado po lahat ng members.

“And talagang inilalaan po namin sa grupo kasi pressured po talaga. Actually, yung isinagot ko po, kung ma-bash po ako, ready po ako.”

Habang ipinapaliwanag ang kanyang panig, napansin ng entertainment press na paulit-ulit niyang tinatawag na "ate" ang mga miyembro ng Viva Hotbabes, isang indikasyon ng paggalang sa naunang grupo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Anjo Yllana jokes about PHP3.5M fine: "Ang taas pala ng value ko."

Ipinaliwanag ni Zsara na malayo sa kanyang intensiyon na maliitin ang Viva Hotbabes.

Sa katunayan, lumaki raw siyang tagahanga ng grupo.

Saad niya: “E, we’re humans naman po. Lahat po talaga dadaan po tayo sa pagtanda.

“Ang akin lang po, hindi! Idol ko po talaga sila kasi nung bata ako, isinasayaw ko at may CD po talaga ako ng Viva Hotbabes music.

"So, parang natutuwa ako na ngayon, kami naman. Ako naman yung sumasayaw sa bagong generation ng VMX Hotbabes.”

ANG MULING PAGBUKAKA

Bukod sa pagiging miyembro ng VMX Hotbabes, sina Zsara at Queenie de Mesa rin ang hosts ng VMX magazine show na Ang Muling Pagbukaka.

Ang pamagat nito ay hango sa sikat na linyang "Bubuka ang bulaklak, papasok ang reyna," mula sa hit song ng Viva Hotbabes.

Hindi lang iyon ang koneksiyon ng programa sa original group.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mapapanood din sa Ang Muling Pagbukaka ang mga eksena mula sa mga sexy movies nina Maui Taylor, Katya Santos, Andrea del Rosario, Sheree, at Gwen Garci.

Ang direktor ng programa ay si Bobby Bonifacio Jr.

ang muling pagbukaka
From left: Zsara Laxamana, Direk Bobby Bonifacio Jr., and Queenie de Mesa
Photo/s: VMX PH Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung mabibigyan siya ng pagkakataon, nais daw ni Zsara na siya ang magdirek kung maisasapelikula o magagawang magazine show ang "Jugjog," ang debut single ng VMX Hotbabes.

Read: VMX Hotbabes releases debut single written by Lito Camo

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
VMX Hotbabes member Zsara Laxama stirrs buzz after declaring, "I think we're better," when asked to compare their group with the iconic Viva Hotbabes. She explains: "Kailangan pa naming mas galingan po para hindi po sila ma-discourage sa amin. Kasi alam po namin talagang tinitingnan nila kami kung ano yung kaya naming i-deliver sa masa."
PHOTO/S: VMX Global Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results