Inamin ng VMX actor na si Jhon Mark Marcia na minsan nang pumasok sa isip niyang magtrabaho sa gay bar noong panahon ng pandemya dahil sa matinding kakulangan ng pagkakakitaan.
Pero sa huli, pinili niyang huwag isuko ang pangarap niyang maging artista.
Sa media conference ng VMX movie na Haplos ni Milagros nitong Miyerkules, Agosto 5, 2026, ibinahagi ni Jhon Mark sa Cabinet Files ang mga pagsubok na pinagdaanan niya noong modelo pa siya at nag-uumpisa pa lamang ang kanyang showbiz career.
Bago naging VMX actor, sumali muna siya sa mga pageant at sinubukang pasukin ang mainstream showbiz.
Lagad niya: “Sumasali ako dati sa mga pageant. Nag-represent na rin po ako sa Philippines sa other country.
"Nag-workshop ako sa Star Magic before.
“Gustung-gusto ko na may ginagawa ako. Gustung-gusto ko ang acting, passion ko talaga, kaya pinursue kong maging VMX actor.
"Tinray ko kung saan talaga ako.
“Thankful ako kasi kahit papaano po binibigyan ako ng VMX, pinagkakatiwalaan nila ako.
"So, marami pa rin po silang ibinibigay na projects sa akin. Nagpapasalamat ako."
Hindi lamang daw sa showbiz umiikot ang kanyang kabuhayan.
Ayon kay Jhon Mark: “Hindi lang naman po pag-aartista ang ginagawa ko, nagbi-business ako, e-commerce tapos services.
"Yun po ang mga ginagawa ko sa buhay."
Read: Jeremiah Rosales' wife Jhen Go admits affair during his rehab stay
JHON MARK MARCIA'S STRUGGLES DURING THE PANDEMIC
Hindi nagdalawang-isip si Jhon Mark na ibahagi ang panahong inisip niyang sumuko at magtrabaho sa gay bar para magkaroon ng pagkakakitaan.
Pagbabalik-tanaw ng sexy actor: “Nung pandemic po kasi talagang walang trabaho ang lahat.
“As in wala talagang pera, walang galaw, walang ganap sa buhay.
"Umuwi na ako sa probinsiya [Zambales] noon tapos bumalik ako ng Manila.
“May time na sumagi sa isip kong pumasok sa gay bar, kasi walang trabaho nung time na yon.
"Kahit ano, basta may work. Yun ang nasa isip ko noon.
“Sa probinsya kasi, wala talaga kasing trabaho."
Inamin ni Jhon Mark na naisip niyang gamitin ang kanyang hitsura at pangangatawan bilang puhunan para magkaroon ng hanapbuhay.
"Parang naisip ko na gamitin ko na lang kaya ang hitsura ko, katawan ko, pasok na lang ako sa ganoon.
"Pero hindi ko po dyina-judge yung mga nagwo-work doon. Parang gusto kong i-try kasi sabi nila, may pera dun.
"Nasa isip ko rin na [baka mahusgahan] kasi nasa Pilipinas tayo. Yung kultura natin, baka i-judge nila ako tapos lalong mawala ang career ko so may kaba."
Sa huli, nanaig ang kagustuhan niyang ipaglaban ang kanyang pangarap sa showbiz.
Saad niya: “Mabuti na lang, hindi ako sumuko. Hindi ko itinuloy.
"Sabi ko, focus ako dito sa pag-aartista, hangga’t may kumukuha sa akin. Hangga’t may naniniwala pa sa talent ko.
“Kinausap ko rin ang sarili ko, kaya ko pala. Mailalaban ko pa sa showbiz.
"May mga maniniwala pa rin sa akin, mag-aantay lang ako."
Malaki ang pasasalamat ni Jhon Mark sa talent manager na si Lito de Guzman na tinulungan daw siya para makabalik sa showbiz.
Mula noon, nagkasunud-sunod na ang mga proyekto niya sa VMX.
Nakatanggap ba siya ng indecent proposal noong panahon ng pandemya?
"Parang wala, kasi sila rin naghihirap nung time na yon,” sagot ni Jhon.
Read: Ruru Madrid explains why he now respects brother-in-law Kai Sotto