Maituturing na “fitspiration” ang mga aktor na sina Aga Muhlach at Eric Fructuoso dahil nagawa nilang magpapayat at magbawas ng malaking timbang.
ERIC FRUCTUOSO'S WEIGHT-LOSS JOURNEY
Ikinuwento ni Eric sa guesting nito sa Fast Talk with Boy Abunda noong Miyerkules, Agosto 5, 2026, na naiiyak siya kapag nagsusukat ng bibilhing damit dahil wala na raw magkasya sa kanya.
“Kapag namimili kami ng damit, wala nang magkasya sa akin.
"Kapag nagsusukat, as in yung mga pantalon, wala na. Pinakamalaking size, hindi na kasya.
"Tapos, yun nga, naiiyak na ako sa fitting room kasi isinasama ko lagi si Misis.
"Sabi ko ‘Samahan mo ako. Tingnan mo yung hitsura kapag isinuot ko.’
“Lahat ng mga isinusukat ko, hindi na kasya."
Saad pa ni Eric: "So, hindi ako naniniwala sa depression, sorry ha? Pero that was the time na naramdaman ko na ito na yata yung depression.
"Hindi na masaya, I kept eating pa rin.
"So, nung hindi na kasya yung mga damit, yun na ang pinaka-peak.
"Kasi kung hitsura lang, parang wala ka nang pakialam talaga, e,” ang kuwento.
Doon na raw napagtanto ni Eric na kailangan na niyang magpapayat dahil wala nang damit ang magkasya sa kanya.
Read: Ruru Madrid explains why he now respects brother-in-law Kai Sotto
STRESS EATING ANG LACK OF EXERCISE
Ipinagtapat din ni Eric na tumaba siya nang husto dahil sa kawalan niya ng kontrol sa pagkain.
“Masarap kasi kumain. We live to eat.
"Pero siyempre medyo na-carried away. Hindi naman ako nag-e-exercise kahit ano.
“Yung stress, ang tendency, inilalabas mo sa food.
"I didn’t believe in that before, pero if I knew that, baka naiwasan ko rin," ani Eric.
Noong 2025, 220 pounds ang pinakamabigat na timbang ni Eric.
Pero bumaba ito sa 154 pounds nang seryosohin niya ang pagpapapayat.
View this post on Instagram
Lahad niya: “Two hundred twenty [220] pounds was my heaviest, as of 2025.
"Ang lightest na na-achieve ko was 154 pounds.
"But now, I gained another 16 because na-introduce ako sa rice, sa carbs.
“Kasi running training, sabi nila, 'You have to eat, you have to take carbs.'
"So, nagkakanin na uli ako.So, 16 pounds of fat and muscle.”
Hindi raw naramdaman ni Eric na nawalan siya ng mga proyekto noong mabigat pa siya dahil, ayon sa kanya, "Hindi ko alam kasi ang naging role ko noon was corrupt police, e.”
Read: Barbie Forteza's Vegas divorce remark gets legal response
AGA MUHLACH'S TRANSFORMATION
Hindi pa nakakausap ng entertainment press si Aga tungkol sa kanyang pagpayat, pero makikita sa mga social media post ng multi-awarded actor ang physically fit na pangangatawan niya.
Epekto ito ng madalas niyang pagbibisikleta, kasama ang pamilya at mga kaibigan, pati na ang pagpunta niya sa gym.
View this post on Instagram
Tiyak na makikita ng publiko ang body transformation ni Aga sa 2nd Miracle in Cell No. 7, ang pelikulang pinagbibidahan niya at opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival(MMFF) 2026.
Read: Jeremiah Rosales' wife Jhen Go admits affair during his rehab stay