Gusto ni Althea Ablan na muling sumigla ang showbiz career niya tulad ni Bea Binene, na mula nang umalis sa GMA-7 ay namamayagpag ngayon bilang ka-love team ni Wilbert Ross.
Gaya ni Bea, dating contract star si Althea ng GMA Artist Center na lumipat sa Viva Artists Agency (VAA).
Ang ALV Talent Circuit at ang VAA na ang namamahala sa kanyang entertainment career.
“As an artista po talaga, gusto namin na lagi kaming active hindi lang sa social media, sa mainstream din po,” ang pahayag ni Althea nang humarap ito sa mga miyembro ng entertainment media matapos ang kanyang contract signing noong Biyernes, Agosto 7, 2026, sa Viva Café, Araneta City, Cubao,Quezon City.
Kasama ni Althea ang kanyang manager na si Arnold Vegafria, ang VAA President na si Veronique del Rosario-Corpus, at si Viva Communications CEO Vincent del Rosario.

Sa panayam kay Althea, nilinaw nitong maayos ang kanyang pag-alis sa GMA-7, na naging tahanan niya sa loob ng sampung taon.
"I left GMA po on very good terms and we don’t burn bridges po. Alam ninyo naman sa industry natin, napakaliit po ng mundo natin kaya mas maganda na we have good relationship with everyone po talaga.
“Wala pong tampuhan, wala pong naging problema."
Pero bakit siya lumipat?
"...ayun nga sabi ko, darating tayo sa point ng life natin na mapapatanong tayo sa sarili natin na ano pa ba yung kaya ko na ibigay?
"And I think this is the best time to step out of my comfort zone and explore new things po.
"This is my personal choice po, and I’m happy sa choice ko, and I am entering this journey po with an open heart and zero bitterness po."
Malaki rin ang pasasalamat niya sa GMA-7.
"Ten years din ako sa network ko before...ten years na sila po ang family ko.
"Sa kanila ako lumaki, sa kanila ako nakilala, at sa kanila ko natututunan ang lahat ng alam ko sa industriya," ang paliwanag ni Althea.
Nagsimulang magtrabaho si Althea sa Kapuso network noong 2015 at the age of 10. Madalas siyang gumanap bilang young characters ng mga female leads.
Pero ang most notable role niya ay sa Prima Donnas (2019), kung saan isa siya sa main triplet protagonists.
Read: KATSEYE’s Sophia Laforteza takes hiatus to focus on mental health
ALTHEA ABLAN'S CAREER PATH
Now 21 years old, mas gusto niyang "maging character actress."
Aniya pa during the contract signing: "I’m really excited to do a lot of films under Viva and, of course, series na rin.
"I really want to delve into more character-driven roles like mga psychological thriller, suspense, and, of course,drama.
"Hindi puwedeng mawala dahil kahit sabihin natin na ten years na po ako sa industry, gusto ko pa rin po na natsa-challenge pa rin ang acting ko and I know, marami pa akong dapat matutunan.
"And with Viva, na-feel ko na sa kanila ko matutupad yung characters na gusto kong subukan."
Sinu-sino ang mga VAA stars na gusto niyang makatrabaho?
"Sa mga ka-age ko, siyempre, kilala po natin si Andres [Muhlach], si Ashtine [Olviga]. Nabibigyan talaga sila ngayon ng Viva.
"And when it comes naman sa mga veteran, I hope sana sina Ms. Sarah Geronimo, Anne Curtis, yung mga hindi ko nakaka-work sa former network ko.
"I am hoping and praying na marami po akong maka-work na veteran actress.”
Read: Robbie Jaworski clarifies love child rumor: "Joke lang yun."