Permanenteng isinara ang main gate ng ABS-CBN Broadcasting Center sa Sgt. Esguerra Avenue corner Mother Ignacia Street, Brgy. South Triangle, Diliman, Quezon.
Ngayong ala sais ng umaga, Linggo, Agosto 16, 2026, nagpaalam na ang mga empleyado sa nabanggit na entrance at sa mga nakabantay na security guards.
Ayon sa post ng Kapamilya reporter na si Victoria Tulad: "We will miss you, ABS-CBN Esguerra gate. The gate closes at 6 am today."

Sa comments section ni Victoria, marami ang naghayag ng pagkalungkot.
May nagbanggit ding "legacy" ito ng dating Pangulo Rodrigo Duterte, na noong nakaupo sa puwesto ay nagbantang ipapasara ang network.
True enough, noong nag-expire ang 25-year congressional franchise ng ABS-CBN on May 4, 2020, nag-issue ang National Telecommunications Commission ng cease-and-desist order kinabukasan, May 5.
Noong July 10, 2020, ni-reject ng Kongreso ang franchise renewal ng ABS-CBN.
Malaki ang naging epekto nito sa TV landscape.
Bukod na maraming empleyado ang nawalan ng trabaho, apektado rin ang revenue at operations ng Kapamilya network, na ngayon ay nakakaraos through partnerships with other networks: TV5, A2Z, GMA, ALLTV, and Cignal.
Samantala, isang source ng Cabinet Files ang nagsabing apektado ang mga security guards na nagbabantay sa main gate dahil babawasan ang bilang nila.
Read more:
Netizen cries frustration over delayed 911 response
Football superstar Cristiano Ronaldo weds longtime partner
ABS-CBN'S SGT. ESGUERRA GATE
Taong 1968 unang binuksan ang ABS-CBN Broadcasting Center.
Bohol Avenue pa ang tawag noon sa Sgt. Esguerra Avenue.
Sinasabing ito ang "birthplace ng modern Philippine TV."
Ayon pa sa Wikipedia, noong October 23, 1953, ginanap sa compound ang "first television broadcast" ng ABS-CBN na makukunsiderang milestone sa history ng broadcasting.
May kaugnayan ang pagsasara sa main gate ng ABS-CBN sa hindi na mapipigilang pagbuwag sa gusali dahil iba na ang nagmamay-ari sa malawak na parte ng ari-arian ng mga Lopez.
Nasa 44,027.30 square meters ang kabuuang sukat ng property na inookupahan ng ABS-CBN, at 30,000 square meters ang ibinenta sa Ayala Land Inc. noong 2025 sa halagang PHP6.24 billion.
Hindi lamang ang ABS-CBN building ang mawawala dahil bubuwagin din ang iconic Millennium Transmitter na isa sa mga popular landmarks sa Quezon City.