PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Cardona apologizes for insensitive Tab Baldwin post

Mark Cardona to Tab Baldwin, Ateneo: "Sorry po talaga."
by Jojo Gabinete
Published 4 hours ago
mark cardona tab baldwin post
Former PBA player Mark Cardona (left) has once again apologized to former Ateneo de Manila University basketball coach Tab Baldwin (right) and the Ateneo community over his controversial social media post: “Pero kasalanan ko po talaga. Dapat hindi ako nagbibiro ng ganun. Sorry po talaga lalo na kay coach Tab at sa Ateneo community. I should know better.”
PHOTO/S: Facebook

Muling humingi ng paumanhin ang dating Philippine Basketball Association (PBA) player na si Mark Cardona kay former Ateneo de Manila University basketball coach Thomas Anthony “Tab” Baldwin at sa Ateneo de Manila University community.

Ito ay kaugnay ng kanyang insensitive Facebook post noong Lunes, Agosto 17, 2026.

May pagpapakumbabang sinabi ni Mark sa kanyang Facebook post ngayong Miyerkules, Agosto 19: “Masama po na yung biro ko? Sorry po kung may na-offend po ako mga tao. Wala po talaga ako ibig sabihin po dun.

"Pero kasalanan ko po talaga. Dapat hindi ako nagbibiro ng ganun.

"Sorry po talaga lalo na kay coach tab at sa ateneo community. I should know better."

mark cardona post
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa video na ibinahagi ni Mark noong Lunes, ipinakita nito ang sariling tumalon at lumangoy sa malalim na tubig-baha sa Araneta Avenue, Quezon City.

Caption niya: “Coach Tab dapat dito kayo nag-aqua training. Hahaha joke lang coach tab for content only.”

mark cardona post

May kinalaman ang caption ni Mark sa pagkamatay ng Ateneo basketball players na sina Rene Baterbonia at Divine Adili, na parehong nalunod sa karagatan ng Dipaculao, Aurora, noong Hunyo 8, 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang malagim na pangyayari ay isinisisi kay Baldwin.

Read: Mark Cardona posts video of himself swimming in floodwater in Quezon City

MARK CARDONA APOLOGIZES FOR INSENSITIVE POST

Nakarating kay Mark ang pagkadismaya ng mga tao.

Tumanggap din siya ng mga batikos dahil sa kanyang insensitive post kaya binago niya ang caption at humingi ng dispensa kay Baldwin.

“I’m so sorry coach Tab. Dapat hindi ako nagbibiro ng ganun,” post ni Cardona.

Nilagyan niya ito ng praying at crying emojis, pahiwatig ng pag-amin na nagkamali siya.

mark cardona post
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong Martes, Agosto 18, inalis ni Cardona ang pangalan ni Coach Tab sa post niya.

mark cardona post

Pero makalipas ang ilang oras, tuluyan nang binura ng kontrobersiyal na basketball player sa Facebook page nito ang video ng kanyang paglangoy sa baha.

Ang insensitive social media post ni Cardona tungkol kay Baldwin ang naging dahilan para muling mapag-usapan ang kaso ng panghahalik niya sa 21-year-old na babae sa isang bar sa BGC, Taguig City, noong Marso 28, 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inaresto si Cardona ng Taguig Police.

Sinampahan siya ng babae at ng boyfriend nito ng mga kaso ng acts of lasciviousness at physical injury.

Nais malaman ng concerned citizens ang nangyari sa mga asuntong kinakaharap ni Cardona na naungkat dahil sa kanyang social media post tungkol kay Baldwin.

Read: Mark Cardona, nakaditena dahil sa panghahalik sa babae sa BGC bar

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former PBA player Mark Cardona (left) has once again apologized to former Ateneo de Manila University basketball coach Tab Baldwin (right) and the Ateneo community over his controversial social media post: “Pero kasalanan ko po talaga. Dapat hindi ako nagbibiro ng ganun. Sorry po talaga lalo na kay coach Tab at sa Ateneo community. I should know better.”
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results