Ang National Museum of Natural History sa Maynila ang bagong tahanan ni Vishwa Ma’ali o Mali, ang elepanteng nakilala bilang “Pinakamalungkot na Elepante sa Buong Mundo.”
Opisyal na nagsimula ang exhibit para kay Mali noong Huwebes, Agosto 27, 2026.
Ulila si Mali matapos patayin ng mga poacher ang kanyang ina.
Tatlong taong gulang pa lamang si Mali nang iregalo siya ng pamahalaan ng Sri Lanka kay dating First Lady Imelda Marcos noong 1977.
Mula pagkabata hanggang sa kanyang kamatayan noong Nobyembre 28, 2023, naging isa sa mga pangunahing atraksiyon ng Manila Zoo si Mali.
Noong Hulyo 2013, pinangunahan ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) at dating Beatles member na si Paul McCartney ang kampanya upang mailipat si Mali mula Manila Zoo patungo sa isang nature sanctuary sa Thailand.
Layunin ng kampanya na mabigyan si Mali ng pagkakataong mamuhay nang mas malaya at makasama ang iba pang elepante.
Gayunman, hindi nagtagumpay ang panawagan nina PETA at McCartney. Nanatili si Mali sa Manila Zoo hanggang sa kanyang kamatayan noong 2023.
Read: Mali, nag-iisang elepante ng Pilipinas, pumanaw na
MALI'S BODY PRESERVED THROUGH TAXIDERMY
Sa halip na ilibing, nagpasya ang pamahalaan ng Maynila na ipreserba ang katawan ni Mali.
Nakipagkasundo ang lungsod sa PetErniTy para isailalim sa taxidermy ang kanyang katawan.
Tumagal ng 11 buwan ang proseso sa Angat, Bulacan.
Noong Disyembre 16, 2024, ibinalik ang preserved body ni Mali sa Manila Zoo upang muling makita ng publiko.
Kalaunan, dahil limitado ang pondo ng pamahalaan ng Maynila, nagpasya si Mayor Isko Moreno na ipagkaloob si Mali sa National Museum of Natural History.
Dito na ngayon permanenteng makikita ang preserved body ng elepante.
MALI NOW SHARES MUSEUM WITH LOLONG
Sa bagong tahanan ni Mali ay makikita rin ang preserved body ni Lolong, na kinilala bilang World’s Largest Crocodile ng Guinness Book of World Records.
Nahuli si Lolong sa Bunawan, Agusan del Sur, noong Setyembre 3, 2011.
Namatay siya noong Pebrero 10, 2013 dahil sa pneumonia at atake sa puso.
Sa paglipat kay Mali sa National Museum, sinabi ni Mayor Isko na mas maayos at ligtas na mapangangalagaan doon ang dating Manila Zoo attraction.
Ayon sa Manila Public Information Office, ipinagmalaki ng alkalde ang bagong tahanan ni Mali.
“Ang isang yaman ng lungsod ay pinangangalagaan at iniingatan ng National Museum.
“Tinatawagan ko ang lahat ng mamamayan ng lungsod ng Maynila, ang mga dumadayo sa Maynila, at lahat ng Pilipinong may karanasan at alaala kay Mali, muli ninyo siyang masisilayan sa kanyang bagong tahanan sa National Museum.
“ At pumanatag kayo, mga taga-Maynila, dahil nasa maayos at ligtas na pangangalaga ang ating minamahal na si Mali.Again, to the National Museum, thank you, thank you sa inyong lahat. Malaking bagay ito para sa mga batang Maynila.”
Read: Remember Pinky Montilla? Supergirl star now lives a quiet life in Utah
PETA REACTS TO MALI'S NEW EXHIBIT
Hindi lahat ay masaya sa bagong exhibit ni Mali.
May mga naniniwalang hindi dapat ginagamit bilang display sa isang museum ang mga hayop na tulad niya, lalo na dahil sa kanyang naging buhay sa pagkabihag.
Ilang oras matapos pasinayaan ang exhibit ni Mali sa National Museum of Natural History noong Huwebes, naglabas ng pahayag si PETA Asia President Jason Baker.
Nanawagan si Baker sa publiko na huwag tangkilikin ang Manila Zoo, bilang pag-alala sa malungkot na sinapit ni Mali.
Saad niya: “The taxidermied body of Mali, the 'world’s saddest elephant,”'who died in 2023 after being kept in solitary captivity for nearly 50 years at the Manila Zoo, has been transferred to the National Museum, where her exhibit has just been unveiled.
“There are many things to celebrate about Manila, but Mali's confinement and death are not among them. Had the government not blocked her transfer, Mali could have lived out her days in a sanctuary, bonding with other elephants and getting the care she desperately needed.
“Now, her preserved body at the National Museum will serve as a stark reminder that no elephant should be forced to suffer as she did. Confining animals to tiny, barren enclosures should be relegated to the history books, and PETA stands ready to shutter the Manila Zoo and move the surviving animals to a reputable facility.
“Until then, PETA urges everyone to honor Mali’s memory by avoiding the Manila Zoo and any other zoo as if more lives depended on it, because they do.”
Sa kabila ng bagong exhibit, nananatiling hati ang pananaw tungkol sa kung paano dapat alalahanin si Mali.
Para sa pamahalaan ng Maynila, ang kanyang paglipat sa National Museum ay paraan upang mapangalagaan ang isang bahagi ng kasaysayan ng lungsod at mabigyan ang publiko ng pagkakataong muling makita ang minahal na elepante.
Para naman sa PETA, ang preserved body ni Mali ay dapat magsilbing paalala sa mga panganib at paghihirap na maaaring idulot ng matagal na pagkakakulong ng mga hayop.
Sa kanyang bagong tahanan, patuloy na makikita si Mali ng publiko, ngunit kasabay ng kanyang legacy ay nananatili rin ang debate tungkol sa kanyang naging buhay, pagkabihag, at kung paano dapat pangalagaan ang mga hayop na tulad niya.
Read: PEP OUTTAKES: Rejecting Mali, the Loneliest Elephant