PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Atasha Muhlach sheds tears of joy after Bongga Ka 'Day premiere

Atasha Muhlach make parents Aga and Charlene proud at her play's opening night.
by Jojo Gabinete
Published 1 Hour ago
Atasha Muhlach moved to tears after Bongga Ka 'Day opening night
Atasha Muhlach seen in high spirts as she met with parents Aga and Charlene after Bongga Ka 'Day opening night.
PHOTO/S: Viva Artists Agency (inset)

Standing ovation mula sa manonood ang tinanggap ni Atasha Muhlach at ng cast ng Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical sa unang gabi ng pagtatanghal nila noong Biyernes, Setyembre 18, 2026, sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila, Pasay City.

Pinahanga ni Atasha at ng mga kasamahan nito sa Bongga Ka ‘Day ang mga tumangkilik sa kanilang palabas, kaya hindi niya napigilang mapaluha dahil sa naramdamang kaligayahan at taos-pusong pasasalamat.

Nabigyan ni Atasha ng hustisya ang pagganap sa karakter ni Annie Batungbakal na unang binigyang-buhay ni National Artist for Film and Broadcast Arts Nora Aunor sa Annie Batungbakal, ang pelikula na ipinalabas sa mga sinehan noong Setyembre 14, 1979.

Read: Atasha Muhlach admits to being hurt by criticisms

ATASHA MUHLACH PERFORMED DESPITE HER SPRAIN

Dalawang araw bago naganap ang unang pagtatanghal ng Bongga Ka ‘Day, nagkaroon ng sprain ang paa ni Atasha sa technical dress rehearsal noong Miyerkules, Setyembre 16 dahil nasobrahan siya sa paggalaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tulong ng isang physical therapist, bumuti ang kalagayan ni Atasha at walang nakahalata na may pinagdaraanan siya dahil normal na normal ang kanyang mga kilos sa opening night ng pinag-uusapan na musical na pinagbibidahan niya.

"Inilaban po ni Atasha,” ang reaksyon ng isang saksi na nakausap ng Cabinet Files at bilib na bilib sa propesyonalismo na ipinamalas ni Atasha.

Sinuportahan ng mga magulang ni Atasha na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales ang unang gabi ng kanyang pagtatanghal bilang Annie Batungbakal.

May mga naghanap sa kakambal ni Atasha na si Andres pero wala ito dahil nasa ibang bansa siya.

Ang mahusay na pagganap ni Atasha sa karakter ni Anne Batungbakal ang patunay na hindi siya naapektuhan ng mga batikos na natanggap niya nang i-anunsyo noong Hulyo 2026 ang kanyang pagbibida sa Bongga Ka ‘Day.

Imbes na panghinaan ng loob, lalong ginalingan ni Atasha ang pagganap sa katauhan ni Annie Batungbakal kaya nakakatanggap siya ngayon ng mga papuri mula sa mga nanood ng Bongga Ka ‘Day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Aga Muhlach, Charlene Gonzalez react to criticisms against Atasha

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Atasha Muhlach seen in high spirts as she met with parents Aga and Charlene after Bongga Ka 'Day opening night.
PHOTO/S: Viva Artists Agency (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results