Negligence, premises liability, at intentional infliction of emotional distress ang ilan sa mga kasong isinampa ni Miss Universe Jamaica 2025 Dr. Gabrielle Henry laban sa Miss Universe Organization at sa parent companies nitong JKN Legacy, Inc. at Legacy Holding Group USA.
Naghain ng kaso si Gabrielle sa Delaware Superior Court, Delaware, USA, noong Setyembre 21, 202.
May kaugnayan ang demanda niya sa aksidenteng nangyari sa Miss Universe 2025 na ginanap sa Nonthaburi, Thailand, noong Nobyembre 19, 2025.
Isinugod si Gabrielle sa Paolo Rangsit Hospital sa Bangkok pagkatapos niyang mahulog mula sa entablado sa preliminary competition ng patimpalak.
Read: Miss Jamaica, nahulog sa stage sa Miss Universe 2025 prelims
Pitong araw nanatili sa ICU ng ospital ang Jamaican beauty queen.
Noong Disyembre 8, 2025, kinumpirma ng Miss Universe Organization na nagkaroon ng “intracranial hemorrhage with loss of consciousness, fracture, facial lacerations and other significant injuries” si Gabrielle.
Inako ng Miss Universe Organization ang lahat ng mga responsibilidad, kabilang ang mga gastos sa ospital, medical, at rehabilitasyon kay Gabrielle habang nananatili ito sa Thailand.
A VERY TRAUMATIC EXPERIENCE
Ayon kay Gabrielle, namalagi siya sa ospital mula Nobyembre 19 hanggang Disyembre 10, 2025 dahil sa "traumatic brain injury with acute subarachnoid hemorrhage, frontal lobe hemorrhagic contusion, and subdural hemorrhage."
Ang naranasan niyang aksidente ang itinuturing ni Gabrielle na pinakamatinding trauma na nangyari sa kanyang buhay.
Ito rin daw ang dahilan para hindi niya maipagpatuloy ang medical residency bilang ophthalmologist.
Binanggit ni Gabrielle na sumasailalim pa rin siya sa rehabilitation dahil sa “neurological and cognitive symptoms” na idinadaing niya.
View this post on Instagram
Damay sa reklamo ni Gabrielle ang Miss Grand International (MGI) Organization ni Nawat Itsaragrisil dahil ito ang itinalaga ng Miss Universe Organization bilang local host at event producer ng 74th Miss Universe.
Sinabi ni Gabrielle na ang MGI ang namahala sa staging, lighting, at safety work pero ang Miss Universe Organization pa rin ang may kontrol sa lahat.
Sa ulat ng People, nakasaad umano sa reklamo ni Gabrielle na “MGI’s failure to oversee stage safety during the competition caused an injury to the plaintiff.”
Iginiit ni Henry na nabigo ang Miss Universe Organization na panatalihing ligtas ang entablado dahil iniwan nilang walang bantay, walang palatandaan, at walang barikada ang lugar kung saan nahulog siya
Resulta umano ito ng “unsafe staging at production practices” ng MGI.
Read: Miss Jamaica Gabrielle Henry suffers an intracranial hemorrhage