PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Anthony Fernandez reflects on 35 years in showbiz

Mark Anthony Fernandez lists down memorable moments and favorite movies.
by Jojo Gabinete
Published 9 hours ago
mark anthony fernanez showbiz
Mark Anthony Fernandez marks 35 years in showbiz by looking back on the biggest highs and lows of his journey, including personal losses, challenges, and some of the films he considers career highlights.
PHOTO/S: Files / Facebook

Hindi namalayan ni Mark Anthony Fernandez na umabot na sa 35 taon ang kanyang karera sa showbiz.

Nagsimula ang kanyang acting career noong 1991, kaya nagulat siya nang ipaalaala sa kanya ng Cabinet Files na ngayong 2026 ang ika-35 anibersaryo niya bilang artista.

“Hindi ko binibilang,” reaksiyon ng 47-anyos na aktor.

Gayunman, naging bukas si Mark sa pag-alala sa ilan sa mga pangyayaring hindi niya malilimutan sa kanyang buhay, kabilang na ang pinakamabibigat na pagsubok na pinagdaanan niya.

LOSSES AND LIFE’S LOW POINTS

Nang tanungin tungkol sa mga pinakamalaking pagsubok na hinarap niya, sinabi ni Mark na ayaw niyang idetalye ang lahat ng mga ito.

Pero binanggit niya ang pagkamatay ng ama niyang si Rudy Fernandez noong 2000, ang pagkakakulong niya kaugnay ng droga noong 2017, at ang heartbreaks niya.

Read: Action superstar Rudy Fernandez succumbs to cancer

Saad ng aktor: “Ayokong mag-specify, pero siyempre yung mga sinasabi ng mga sinauna nating magagaling na artista na kapag bumagsak ka, kailangan makatayo ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero kung ABC, multiple choice, yung namatay ang tatay ko, yon ang hindi ko kinaya.

“Nung nakulong po ako na wala po akong kasalanan.

"Siyempre, yung heartbreaks, galing din sa industriya yon. Mas dramatic pero kung sa labas ng industriya yon, hindi ganoon kasakit.”

Sa kabila ng mga pinagdaanan, sinabi ni Mark na natutunan niyang tanggapin at patawarin ang kanyang sarili.

“Pero okay lang, I forgive myself and the situation. I am more knowledgeable,” sabi ni Mark.

Nanindigan ang aktor na wala siyang pinagsisisihan sa mga naging desisyon niya sa buhay.

“Four years ago, nasabi ko, wala. Wala akong dapat i-regret dahil kahit isa, wala akong mali, pinagbayaran ni Jesus yon.

“Kaya ko nasabi yon four years ago, pinagbayaran ni Jesus yung kasalanan at talagang wala akong kasalanan, nasa tamang path ako, dahil na-prove ko sa sarili ko,” paniniwala niya.

Read: Mark Anthony Fernandez pleads not guilty in drug case

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CAREER HIGHLIGHTS

Nang itanong naman ng Cabinet Files ang mga itinuturing niyang highlights ng kanyang showbiz career, isa-isang binanggit ni Mark ang ilan sa mga pelikulang ipinagmamalaki niya.

“Yung Guwapings, Mangarap Ka, Biyaheng Langit, mga pelikula ko sa Viva, Regal.

mark anthony fernandez movies

“Ang paborito kong pelikula Dos Ekis, kay Direk Erik Matti yon; Hesus Rebolusyunaryo ni Lav Diaz.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
mark anthony fernandez movies
Mark Anthony Fernandez in Dos Ekis (left) and Hesus Rebolusyonaryo (right)

“It’s a long journey in life. Talagang koleksiyon siya para sa akin, isang addition sa sining ng pelikulang Pilipino.

"Pero hindi lang ako yon—sina Ricky Lee, Direk Roman Perez, Direk Rory Quintos. Sana mapanood ng mga bata.”

Sa kabila ng maraming pagsubok na kanyang pinagdaanan, nananatiling aktibo si Mark sa showbiz at patuloy na tumatanggap ng mga proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, malaki ang kanyang pasasalamat sa mga producer na patuloy na nagtitiwala sa kanyang kakayahan.

Ani Mark, hindi lamang isang tao ang bumubuo sa isang matagumpay na pelikula kundi ang buong team na nasa likod nito.

“I owe it all sa mga producer, kahit minsan nagpa-flop ang movies nila, tuloy pa rin sila [sa paggawa ng mga pelikula].”

Nagpasalamat din siya sa mga direktor, manunulat, at mga manonood na naging bahagi ng kanyang mahabang karera.

“Sa mga direktor, writer, at sa manonood. Hindi tayo makakagawa ng isang magandang proyekto kung wala silang lahat.

"At nagpapasalamat ako dahil isa ako sa mga elemento," saad ni Mark.

Read: Mark Anthony Fernandez owns up to viral sex video scandal

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Anthony Fernandez marks 35 years in showbiz by looking back on the biggest highs and lows of his journey, including personal losses, challenges, and some of the films he considers career highlights.
PHOTO/S: Files / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results