Tumatanggap ng mga pasasalamat si Paulo Avelino mula sa mga tagasuporta nila ni Kim Chiu dahil sa X post ng aktor noong Huwebes, Setyembre 24, 2026.
Pinaniniwalaang may kaugnayan ang post ni Paulo sa pinag-uusapan at kontrobersiyal na kasong kinasasangkutan ng kanyang rumored girlfriend at ng kapatid nitong si Lakam Chiu.
Kumbinsido ang mga tagahanga ng KimPau loveteam na ang X post ni Paulo ang isa sa mga paraan ng pagpapakita ng pagdamay niya kay Kim, na mabigat ang pinagdaraanan sa kasalukuyan dahil sa pagpapakulong sa kanyang sariling kapatid.
Makahugang post ni Paulo sa X: “I don’t think people understand the value of the 'amount' stolen.
"Think about what you would do with that money.
"Bibili ka ng bahay? Medical Bills? School? Magsisimula ka ng bagong buhay?
“That amount can build the life you’ve always dreamed of.
"Now imagine someone took the life you’re supposed to be living in.
"Sa company pa lang yan. Pano pa kaya sa....”
Read: Kim Chiu's sister Lakam charged in PHP44.4M qualified theft case
FENG SHUI EXPERT VIDEO RESURFACES ONLINE
Ang pag-aresto at pagkakabilanggo ni Lakam dahil sa 124 counts ng qualified theft na inihain ni Kim laban sa kanya ang pinakamalaking balita sa showbiz ngayon.
Nadakip si Lakam ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa Mandaluyong City noong Setyembre 20, 2026.
May kinalaman ang pagkakabilanggo ni Lakam sa muling paglitaw ng video nila ni Kim habang nakikipag-usap sila sa feng shui expert na si Coach Johnson Chua.
Kuha ang video noong 2024 na muling lumabas noong Disyembre 2025, ilang araw matapos idemanda ni Kim ang kanyang kapatid.
Year of the Horse nang isilang si Kim noong Abril 19, 1990.

Mapapanood sa video ang mga babala sa kanya ni Chua tungkol sa pagtitiwala.
“Ay, nakakakaba, ayoko naman niyan. Eto na naman ang libro,” reaksiyon ni Lakam, na may hawak na libro habang pinakikinggan niya ang mga payo ni Chua kay Kim.
Sabi naman ni Kim, “Alam mo, nagiging totoo yan, e, yung mga sinasabi ni Johnson. Ano ‘yung mga iingatan?”
Sagot ni Chua: “Ang number one nga na dapat nating iingatan ng mga Horse is that meron kasing robbery star ang horse.
"And ang problema kasi when you talk about robbery, hindi lang naman ang pera ang ninanakaw. Puwede ang trust, yung mga ganoong klase.”
Malutong ang halakhak ni Lakam nang magtanong si Kim kay Chua,“ Anong tiwala ang mananakaw sa akin?”
Pinaalalahanan din ni Chua si Kim na mag-ingat sa mga traitor, backfighter, at user
Rekasiyon dito ni Kim, “Shucks, magkakaroon pala ako this year ng trust issues.”
Read: Kim Chiu's 2024 feng shui video on robbery, betrayal resurfaces