PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rovelyn Baterbonia clarifies PHP30 entrance fee at Rene museum

Rovelyn Baterbonia: “Ang may entrance… museum namin.”
by Jojo Gabinete
Published 1 Hour ago
rovelyn baterbonia rene museum
Rovelyn Baterbonia sets the record straight on the PHP30 entrance fee at Baterbonia Collections amid online criticism. According to Rene’s mother, the fee is for the mini museum and helps cover its maintenance, while the store remains free to enter.
PHOTO/S: Facebook

Mula nang pinag-usapan sa buong bansa ang malagim na pagkamatay ng Ateneo de Manila University basketball player na si Rene Baterbonia, 18, biglang lumawak ang following ng kanyang ina na si Rovelyn Baterbonia.

Ngunit kasabay nito ay dumami rin ang mga kontrobersiyang kinakaharap ni Rovelyn sa social media.

Namatay si Rene noong June 8, 2026, matapos malunod sa karagatan ng Dipaculao, Aurora.

Mula noon, naging mas aktibo si Rovelyn sa social media at umabot na sa 1.7 million followers ang kanyang Facebook page.

Dahil sa laki ng kanyang online following, nakakatanggap na rin siya ng mga imbitasyong lumabas sa mga television show.

Sa ngayon, hindi pa niya napagbibigyan ang mga imbitasyon para sa live appearances dahil manggagaling pa siya sa kanilang bayan sa Talacogon, Agusan del Sur.

Kasabay ng paglobo ng social media following ni Rovelyn ang pagtutok ng publiko sa mga kuwento at negosyong ibinabahagi niya online.

May mga bumabatikos kay Rovelyn at inaakusahan siyang tila pinagkakakitaan ang pagkamatay ng kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunman, marami rin ang dumedepensa sa kanya at nagsasabing nauunawaan nila ang isang ina na patuloy na nagdadalamhati sa pagkawala ng anak.

Isa sa mga naging sentro ng usapan ang Baterbonia Collections, kung saan ipinapakita ang mga memorabilia na may kaugnayan kay Rene.

Read: Rene Baterbonia's mother makes request 100 days after son’s death

ROVELYN CLARIFIES PHP30 ENTRANCE FEE

Gamit ang kanyang Facebook page, sinagot ni Rovelyn ang bintang na naniningil siya ng PHP30 bilang entance fee mula sa mga taong pumapasok sa tindahan ng Baterbonia Collections.

Ayon sa mga kumakalat na impormasyon, kailangan muna umanong magbayad ang mga gustong makakita ng mga memorabilia ni Rene, at limitado umano sa 15 minuto ang kanilang pananatili sa loob.

Ang entrance fee ay para umano sa bills at building maintenance,

Hindi itinanggi ni Rovelyn na may PHP30 entrance fee.

Gayunman, nilinaw niyng hindi para sa tindahan ang nasabing bayad kundi para sa mini museum ni Rene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Rovelyn (published as is): “Lilinawin ko lang po ha, ang may entrance po na 30 pesos ay ang moseum namin, Hindi po yong store namin.

“Kong papasok kayo sa mini moseum sa aking anak na c Rene Baterbonia, may entrance po na 30 pesos para sa mga mentenance po namin

"pro Ang lahat nang taga-Talacogon na may sakop na 16 brgy ay libre po Basta taga Talacogon

"pro Kong taga Talacogon kayo tpos may Kasama kayong Ibang tao na Hindi taga Talacogon Norma may entrance po

"and sa store namin libre po walang bayad po Yan.

"God bless you always [three hearts emojis] mga followers and basher."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa kabila ng mga batikos, patuloy si Rovelyn sa pagbabahagi ng kanyang buhay, alaala, at mga ginagawa bilang paraan upang mapanatili ang alaala ng kanyang anak.

Read: Rene Baterbonia's mom opens booth for Baterbonia Collections

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rovelyn Baterbonia sets the record straight on the PHP30 entrance fee at Baterbonia Collections amid online criticism. According to Rene’s mother, the fee is for the mini museum and helps cover its maintenance, while the store remains free to enter.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results