PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joey de Leon turns 80; Kapuso Mel Tiangco, Michael V. send love

Ian Veneracion and Toni Gozaga also greet the Eat Bulaga! host.
by Jojo Gabinete
Published 2 hours ago
Mel Tiangco and Joey de Leon became co-hosts in Mel & Joey for seven years. Michael V, meanwhile, became a co-host in Eat Bulaga!.
Greeting Joey de Leon (inset) during the birthday segment prepared by Eat Bulaga! are two Kapuso TV personalities: Mel Tiangco (left) and Michael V.
PHOTO/S: Screen Grab from Eat Bulaga!

Sa pambihirang pagkakataon, napanood sa programa ng TV5 ang mga GMA-7 talents na sina Mel Tiangco at Michael V.

Kasama kasi sila sa mga bumati sa ika-80 na kaarawan ng Eat Bulaga! host na si Joey de Leon.

Gugunitain ni Joey ang 80th birthday nito sa Oktubre 14, 2026, pero naganap ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan kahapon, Sabado, Oktubre 10, sa isang segment na inihanda longest-running noontime show sa Pilipinas.

Read: Team Ryzza raises alarm over threats against Ryzza Mae Dizon

MEL TIANGCO'S FUNNY ANECDOTES ABOUT JOEY DE LEON

Si Mel ang co-host ni Joey sa Mel & Joey, na umere mula Agosto 2004 hanggang Hulyo 2011.

Apparently, nagkaroon pala ng misyon si Joey noong nagkasama sila sa show, pero hindi raw siya nagtagumpay.

"For so many Filipinos, you’re more than a comedian or an entertainer. You became a part of our everyday lives, including me.

"Sino ba ang makakalimot sa mga experience na ibinigay mo sa akin habang ginagawa natin ang Mel & Joey, seven years!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bakit parati mo akong binubulaga? Bakit parati mo akong ginugulat?

"Hamakin mo, gusto mo lang pala ako madinig na magmura dahil hindi ka naniniwala na hindi ako marunong magmura, pero, beh, bigo ka.

"Hindi mo nagawa yung gusto mo."

May isa pang nakakatawang anecdote ang Kapuso broadcast journalist.

Sa pagpapatuloy ni Mel: "E, ano pa kaya kung pag-uusapan natin yung Joey de Leon na pilyo? Aba, may experience din ako diyan.

"Remember Australia? Nag-shoot tayo doon ng Mel & Joey, ipinatawag mo ako, ‘Tita, tita.Tinatawag ka ni Tito Joey, pumunta ka daw doon. Importante daw!’

"Nagpunta naman ako, akala ko kung ano iyon. Aba, hamakin ninyo kung anong dinatnan ko doon? Sa tindahan kung saan ako pinapunta ni Joey de Leon?

"Ang sabi sa tindahan, adult shop! Ay, diyos ko po, aatakehin ako sa puso,” ang kuwento ni Mel.

Read: Has Sarah Lahbati hard-launched her rumored new boyfriend?

JOEY DE LEON'S INFLUENCES ON MICHAEL V.

Marami raw naging impluwensiya si Joey sa buhay ni Michael V., na dating co-host ng Eat Bulaga!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"First of all, ikaw ang nag-impluwensiya sa akin na magsuot ng tinted eyewear.

"Hindi lang iyon, ikaw rin ang nag-impluwensiya sa akin na magsuot ng magandang headwear.

"Pero mga physical appearance lang iyan. Ang mga itinuro mo sa akin, e, mas malalim pa.

"Kung maalala ng marami, ikaw ang nagturo sa akin ng T.I.T.E. At iyang mantra na iyan, hanggang ngayon, ina-adapt ko pa rin sa buhay namin ng pamilya ko."

T.I.T.E. stands for Trabaho, Ipon, Travel, and Enjoy.

IAN VENERACION SINGS FOR JOEY DE LEON

Samantala, isa rin sa nagpahatid ng pagbati ay si Ian Veneracion, na gumanap bilang anak ni Joey sa 1982 sitcom ng RPN-9 na Joey & Son.

Makalipas ang 41 years, muling narinig ng manonood ng Eat Bulaga! ang theme song ng Joey & Son dahil ito ang tinugtog ni Ian sa kanyang gitara at inawit niya para kay Joey.

Ian Veneracion greets Joey de Leon, his dad in the sitcom Joey & Son.
Ian Veneracion greets Joey de Leon, his dad in the sitcom Joey & Son.
Photo/s: Screen Grab from Eat Bulaga!
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

TONI GONZAGA SINGS FOR JOEY DE LEON

Napaluha naman si Joey sa surprise guesting sa Eat Bulaga! ng kanilang former co-host na si Toni Gonzaga, na kumanta at personal na binati siya ng "Happy birthday.”

Napaiyak daw si Joey dahil naalala niyang siya ang unang umaway kay Toni nang umalis ito sa Eat Bulaga!, kung saan naging host ang huli from 2002 to 2005.

Pero ayon sa singer-actress-host, "Love na namin ang isa’t-isa forever.”

Ilang beses na ring nakapag-guest sa noontime show si Toni para mag-promote ng kanyang mga pelikula.

Toni Gonzaga personally greeted Joey de Leon on his 80th birthday
Toni Gonzaga personally greets Joey de Leon on his 80th birthday.
Photo/s: Screen Grab from Eat Bulaga!
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, nagkuwento si Toni ng isa sa mga karanasang hindi niya malilimutan tungkol kay Joey.

"Feeling ko kapag hindi ko kinain yung buhay na hipon, magagalit siya sa akin tapos baka matanggal na ako sa Eat Bulaga!.

"So napakain niya ako ng buhay na hipon dahil sa takot ko sa kanya noong 19 years old ako."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Greeting Joey de Leon (inset) during the birthday segment prepared by Eat Bulaga! are two Kapuso TV personalities: Mel Tiangco (left) and Michael V.
PHOTO/S: Screen Grab from Eat Bulaga!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results