Si Andre Yllana ang nagrekomenda kay Onemig Bondoc na gawin nito sa Himlayang Pilipino Memorial Park, Quezon City, ang engagement proposal sa kanyang ina na si Aiko Melendez.
Nakalibing kasi ang cremated remains ng ama ni Aiko na si Jimi Melendez sa Himlayang Pilipino kaya ito ang naisip na lugar ni Andre,
Pero hindi raw niya inaasahang magiging mabilis ang pangyayari.
"I was in a way shocked kasi alam ko naman na may plans si Tito Onemig, pero I didn’t know it was this soon.
"Kaya nagulat ako pero, at the same time, happy kasi alam kong surprised si Mommy and first time may nag-propose sa kanya,” ang lahad ni Andre sa Cabinet Files.
Napag-uusapan na ba nina Onemig at Aiko ang petsa ng kanilang pinaplanong pagpapakasal?
"Nag-usap na kami ni Mommy, pero as of now, wala pa po any dates. I think my mom wants to focus on the upcoming 2028 elections muna."
Ano naman ang reaksiyon ng sister niyang si Marthena?
"Napag-usapan naman namin ni Marthena [Andre’s younger sister] ang engagement nina Tito Onemig and Mom, and we both agreed na full support lang kami kay Mom as long as she’s happy.”

READ: Katrina Halili and Kris Lawrence invest in Antipolo property
ONEMIG BONDOC'S RELATIONSHIP WITH ANDRE AND MARTHENA
Kumusta ang relasyon niyo ni Onemig at ano ang tawag mo sa kanya?
"I call him Tito. Okay naman ang relationship namin kasi we both grew up with almost the same issues kaya he gets to give me advice,” ani Andre.
Bilang isang celebrity kid, ano ang natutunan mo mula sa relasyon nila at ano ang mensahe mo para sa Mommy mo at kay Onemig?
"Being a showbiz child, natutunan ko na puwede pala na people we meet along the way ang the one we’re gonna stay in love with forever.
"And perfect timing lang talaga ang mga bagay- bagay.
"I wish you all the best and sana, ito na ang forever ninyo!”
Si Andre ay anak ni Aiko kay Jomari Yllana, na nahanap na ang forever kay Abby Viduya.
READ: Child actor Angelo Teves in ICU after being stabbed eight times; brother Matthew calls for justice